Facebook

Higit P600m tinangay ng founder ng investment scammer

KORONADAL CITY – Nagreklamo ang mga nabiktima ng panibagong investment scheme na iligal na nag-o-operate sa South Cotabato at iba pang lugar sa Mindanao nang tangayin ang milyong pisong investment ng mga miyembro nito.

Ayon kay Pergentino Logronio, tumatayong tagapagsalita ng mga biktima ng Mer’s Business Center, naengganyo sila na mag-invest dahil naging maayos naman ang “pay-out” sa unang mga buwan hanggang sa naputol ito noong buwan lamang ng Setyembre.

Nasa mahigit P600 million ang halaga ng perang nakuha sa investors ng grupo ni Reynaldo Camingawan, na siya umanong founder at mga managers nito sa iba’t ibang branch dahil sa 30 percent hanggang 35 percent na porsiyento na pangakong interes sa perang inihulog ng mga miyembro na kahalintulad ng KAPA noon ni Joel Apolinario.

Matapos na hindi na sila nakatanggap ng pay-out ay isinara narin ang tanggapan ng Mer’s Business Center sa Gensan at maging sa Koronadal at nawalang parang bula ang mga opisyal nito kabilang na sina Reynaldo at Roger Camingawan, Estelito Cenco bilang BOD, Arlindo at Joy Mahinay.

Kaya naman nagpadala sila ng sulat sa National Bureau of Investigation (NBI) national office sa pangambang hindi sila papansinin ng NBI Region 12 dahil umano sa naunang pahayag ni Camingawan na nagbibigay umano ito ng protection money.

Kung maaalala, una nang nagpalabas ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng advisory laban sa Mer’s Business Center noong nakaraang mga buwan ngunit nagpatuloy parin ang pangongolekta ng pera ng mga ito.

The post Higit P600m tinangay ng founder ng investment scammer appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Higit P600m tinangay ng founder ng investment scammer Higit P600m tinangay ng founder ng investment scammer Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.