SORSOGON CITY – Pinabulaanan ni ABC President at Cambulaga Barangay Chairman Maria Theresa Perdigon ang mga sumbong na ginagawang “palikuran” ng kanyang mga residente ang Sorsogon bay dahil sa diumano’y kawalan ng palikuran ng mga ito.
Bagama’t aminadong mayroon pa talagang mga household sa kanilang barangay na wala pang mga palikuran, binigyang diin ng opisyal na mayroon na silang mga ginawang hakbang upang tugunan ang nasabing problema.
Ayon dito, mayroon silang mga itinayong common o public toilet na magagamit ng kanilang mga residenteng walang sariling palikuran. Namahagi rin sila ng toilet bowls at mga materyales.
Aniya, nakakalungkot lamang na sa kanila pa hinihingi ang panggastos sa pagpapagawa ng mga ito, habang ang mga pampublikong palikuran naman ay hindi pinahalagahan at hinayaan na lamang na masira.
Gayunpaman, tiniyak ng opisyal na patuloy nilang tinututukan partikular ng kanilang Committee on Health ang pag-monitor kaugnay ng nasabing bagay lalo na ang pagmantina ng kalinisan ng nasabing katubigan.
Ayon sa Dept. of Health (DoH), ang kawalan ng sarili at maayos na palikuran ay nakababahala dahil posible itong maging dahilan ng mga sakit katulad ng Polio.
Target ngayon ng DoH na sa taon 2022 na matuldukan na ang ‘open defecation’ sa rural areas subali’t magiging problema ang budget dito.
Nakapalaman sa Local Government Code of 1991 na obligasyon ng LGUs ang pagbibigay ng pasilidad sa kalinisan at kalusugan.
The post Sorsogon Bay ginagawang palikuran ng mga residente? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: