BUMAGSAK sa kamay ng mga otoridad ang isang lalaki na akusado sa multiple counts ng panggagahasa sa Penablanca.
Dinakip ng halos isang batalyong pulis na sumugod sa lugar ng akusado na si Michael Datul Marcos, 36 anyos, tinaguriang Top Most Wanted Person (TMWP) sa Region 2.
Sa ulat, isinilbi kay Marcos ang warrant of arrest na ipinalabas ni RTC Branch 4 Judge Lyliha Aquino.
Nahaharap si Marcos sa kasong 160 counts Rape na isinampa sa sala ng nasabing hukom.
Idinemanda si Marcos ng kanyang sariling anak-anakan nang gawin siyang sexslave sa nakaraang dalawang taon.
Batay sa report, nagsimula ang kalbaryo ng biktima na itinago sa pangalang Edna noong September 2019 ng 13-anyos pa lamang ito. Sa kanyang sinumpaang salaysay, apat na beses siyang ginagalaw ng kanyang stepfather sa loob ng isang linggo hanggang June 25, 2020.
Pormal lamang na nakapagreklamo si Edna sa PNP Penablanca noong July 3, 2020 sa tulong ng kanyang tiyahin.
Naiwan sa pangangalaga ng suspek si Edna nang magtrabaho sa ibang bansa ang kanyang nanay at siya ang napagbalingan ng ama-amahan sa pangungulila nito.
Nakakulong si Marcos sa Penablanca Police Station habang hinihintay ang kaukulang commitment order mula sa hukuman. (REY VELASCO)
The post Marcos 160 beses nireyp ang anak-anakan, dinakip ng 1 batalyong pulis appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: