Facebook

Jeep nahulog sa bangin: 1 patay, 12 sugatan

Nasawi ang 24-anyos na lalaki nang madaganan ng sinasakyang jeep na nahulog sa bangin sa San Jose, San Mariano, Isabela, Miyerkoles ng gabi (November 4).

Kinilala ang nasawi na si Bernard Macabiog, 24-anyos, walang asawa at residente ng San Jose, San Mariano, Isabela; habang kinilala ang nagmaneho ng jeep si Chito Baligod, 40- anyos at residente ng Casala, San Mariano, Isabela.

Ayon kay PMaj Edgar Manuel Jr., hepe ng San Mariano Police Station, pauwi na ang mga biktima sa Casala, San Mariano, Isabela mula sa barangay Sta. Felomena, kung saan nagpabakuna ang mga mga ito nang makasalubong ang motorsiklo na sobrang maliwanag ang led light.

Sa report, pababa ang jeep sa daan habang paakyat ang motorsiklo.
Dahil nasilaw ang tsuper ng jeep sa led light ng motorsiklo hindi nito natantiya ang daan.

Ang alam umano ni Baligod may shoulder ang daan ngunit nahulog ito dahil bangin na ang gilid ng daan na may lalim na 15 metro.

Nadaganan ng bumaliktad na jeep ang tumalon na pasahero na si Macabiog.

Dahil sa tinamo nitong sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan agad na binawian ng buhay at sinubukan pang dalhin sa San Mariano Community Hospital.

Sa ngayon, patuloy na isinasagawang rescue operation ng mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng nasabing bayan. (Rey Velasco)

The post Jeep nahulog sa bangin: 1 patay, 12 sugatan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Jeep nahulog sa bangin: 1 patay, 12 sugatan Jeep nahulog sa bangin: 1 patay, 12 sugatan Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.