Facebook

Pekeng doktor huli, kasabwat na pekeng nurse at large

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI)  ang isang nagpapanggap na doktor upang makapanloko ng mga pasyente sa kanyang clinic sa  Imus, Cavite.

Patung-patong na kaso ang kinakaharap ng naarestong suspek na si Maria Annalyn Rivera, nasa hustong gulang na may address na Blk.8 Lot 152, Green  Mark home 2, Malagasang 2-B, Imus , Cavite.

Gayundin kakasuhan ang kasabwat nito na nagpakilala namang nurse na si Paul Tamares alyas Paul Francisco na ngayon patuloy na tinutugis ng NBI.

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng pamilya ng naging pasyente ng mga suspek kung saan hiningan ng P56,290 para sa kanilang serbisyo medical.

Ayon sa complainant na si Brenda Cielo, nagkasakit ang kanyang ina (Julita Cielo) noong Setyembre 16 at nagpakilala ang mga suspek bilang doctor at nurse kapalit ng nasabing halaga para sa medical service at prescription ng gamot para sa kanyang ina.

Dahil malaki ang hinihingi ng mga suspek, nakiusap ang complainant kay Paul na humingi na lamang ng prescription mula sa doctor para makabili ng mas murang gamot sa ibang pharmacy ngunit tumanggi ito at sinabihan silang ikakansela o ititgil na lamang nila ang paggagamot sa pasyente kung hindi sila papayag sa hinihinging presyo.

Dahil dito, hiningan ni Brenda ang nurse ng kanyang ID ngunit wala itong maipakita at inaming hindi siya totoong nurse at ginagamit din niya ang pangalang Paul Francisco.
Base sa pagbeberipika ng complainant, sa Professional Regulation Commission (PRC) sina Annalyn at Paul, hindi registered bilang doctor at nurse.

Natuklasan din na may iba pang ginagamit na pangalan ang pekeng doktora kabilang ang pangalang Annalyn Rivera Santos, Anna Lyn Hernandez Rivera, Annaliza Rivera, Anna Lyn Rivera, Annalyn Rivera, Maria Anna Hernandez Rivera, Ana Rivera na hindi lumitaw sa database ng mga  Physicians na pinahihintulutang magsagawa ng pagsasanay sa medisina sa bansa gayundin si Paul ay hindi rin lumabas sa database ng  listahan ng mga nurse.

Agad na nakipag-ugnayan ang complainant sa NBI noong Nov. 2 nang mapag-alaman na nagpapatuloy pa rin ang maling gawain ng mga suspek kung saan ikinasa ang entrapment operation sa mismong clinic nito sa malapit sa Sunnydale Village sa Imus , Cavite.

Tanging ang pekeng doctor na si Ana lamang ang inabutan at naaresto sa loob ng clinic habang pinaghahanap ang nurse na si Paul.(Jocelyn Domenden)

The post Pekeng doktor huli, kasabwat na pekeng nurse at large appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pekeng doktor huli, kasabwat na pekeng nurse at large Pekeng doktor huli, kasabwat na pekeng nurse at large Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.