Facebook

Kalabasa may laman shabu huli sa Davao city jail

HINARANG ng mga awtoridad ang ilang kalabasa na inihatid sa Davao City Jail nang makitaan ng shabu ang isa sa mga ito, Huwebes ng umaga.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology Region 11, nakita sa loob ng kalabasa ang mga tabako na ang laman, aabot sa 5 pakete ng shabu.

Nagkakahalaga ng mahigit P300,000 ang mga nadiskubreng iligal na droga.

Hinuli ang 1 babae at ang lalaking driver ng truck na naghatid ng mga gulay sa city jail.

Ayon sa dalawang inaresto, hindi nila alam kung bakit mayroong lamang droga ang kanilang produktong gulay. Halos 2 taon na umanong nagde-deliver ng mga gulay ang mga nahuli.

The post Kalabasa may laman shabu huli sa Davao city jail appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kalabasa may laman shabu huli sa Davao city jail Kalabasa may laman shabu huli sa Davao city jail Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.