Facebook

Mark Villar nanguna sa senatorial survey

SI dating Build Build Build Czar Mark Villar ang nangungunang senatorial aspirant sa pinakabagong RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMD)sa mga gustong kandidato sa pagkasenador ng mga Pilipino sa 2022 national elections.

Ang non-commissioned survey na isinagawa mula Oktubre 17 hanggang 27, 2021 ay gumamit ng mga face-to-face interview sa buong bansa na may 10,000 rehistradong botante bilang mga respondent.

Ayon sa RPMD, sina Mark Villar at Raffy Tulfo ay nagbahagi ng una hanggang ikalawang puwesto na parehong nagtamasa ng majority voters’ preference na may 53.5% at 53.1% rating, ayon sa pagkakasunod.

Napagpasyahan ni Dr. Paul Martinez ng RPMD na “sa 30 kandidato, 16 ang may istatistikal na tsansa na manalo- 12 sa kanila ay dating o kasalukuyang miyembro ng Kongreso”.

Kasunod nina Villar at Tulfo ay sina Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero (48.9%), Taguig Rep. Alan Peter Cayetano (48.5%), Antique Rep. Loren Legarda (48.2%), dating Vice President Jejomar “Jojo” Binay (37.4 %).

Sa ika-7-12 na puwesto, sina dating Sen. Jinggoy Estrada (35.1%), Sen. Sherwin Gatchalian (34.6%), Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri (33.5%), Sen. Risa Hontiveros (30.2%), dating Quezon City Mayor Herbert Bautista (29.1%), Sen. Joel Villanueva (28.7%).

Para naman sa 13th-16th ranking, sina Sen Richard “Dick” Gordon (28.3%), dating Sen. Joseph Victor “JV” Estrada Ejercito (27.5%), dating Rep. Gilbert “Gibo” Teodoro (26.2%) at dating Sen. Gringo Honasan ( 25.8%).

Nagpatupad ang survey ng +/- 2% margin of error na may 95% confidence level at bahagi ng Presidential and Vice-Presidential survey series na “RPMD- Halalan 2022”. (PFT)

The post Mark Villar nanguna sa senatorial survey appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mark Villar nanguna sa senatorial survey Mark Villar nanguna sa senatorial survey Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.