Facebook

Pagsusuot ng face shield hindi na mandatory sa lungsod ng Maynila

HINDI na umano mandatory o obligado pang mag-suot ng face shield saan man lugar sa lungsod ng Maynila maliban sa mga ospital, klinika at iba pang medical establishment.

Ito ang buong tapang na pinahayag ni Yor me Isko Moreno sa kabila ng hinihintay pang desisyon ng Inter Agency Task Force (IATF) na ilalabas daw ngayong linggong ito.

Sinabi ni Yorme na hindi na daw niya kailangan pang hintayin ang magiging desisyon ng IATF sa maraming kadahilanan at isa sa mga ito ay wala na daw nagsusuot ng face shield sa buong mundo maliban sa Pilipinas.

Ang pagsusuot daw nito ay walang naidudulot na maganda bagkus ay pahirap pa ang binibigay sa mga tao lalo na sa mga senior citizen na kadalasa’y nadarapa o nati-tisod kapag suot ito.

Marami rin daw ang nahihirapan huminga partikular na ang mga ashmatic at may mga hika na sa halip na makalanghap ng sariwang hangin ay napipigilan pa nitong suot nilang face-shield.

Ito rin daw ang sanhi ng pagdami ng mga basura dahil sa ito ay gawa sa plastic na alam nating lahat na mahirap matunaw at hindi rin nabubulok.

Idiniin din ni Yorme na ito ay pandagdag din sa gastusin ng mga Pinoy na sa halip na ipambili na lamang ng bigas at iba pang mahalagang bagay.

Hanggang sa larangan daw ng siyensiya ay wala rin itong mahalaga at naitutulong na paktor na nagsasabing nakakatulong ito sa pagsugpo ng virus na dulot ng Covid-19.

Sa sitwasyong ito, hindi na nga naman niyang kailangan pang hintayin ang magiging desisyon ng IATF.

Hindi na aniya pang kailangan pang hintayin ang gina-gawa nitong panibagong analisasyon at pinalisasyon.

Ang kanyang ginawang desisyon ay para rin daw sa kapakanan ng mga Manilenyo at ng kanyang mga constituents na matagal na rin dinadaing ang nasabing isyu.

Dinagdag din ni Yorme na handa niyang harapin sa anumang institusyon at korte ang ginawa niyang aksiyon at hakbang hinggil sa hindi na pagsusuot ng face shield.

Kung may nilabag o nalabag man daw siyang batas o ordinansa, ito raw ay taos-puso niyang haharapin at paninindigan anuman ang mangyari.

Kung sa bagay ay malaki ang punto ni Yorme hinggil sa nasabing usapin dahil meron tayong kasabihan na ” daig ng maagap ang masipag “, he… he… he…

***

GREETINGS… MAGIGING TATAY NA SI NINO, ISANG PAGBATI SA ISANG MATIKAS NA PULIS NG MANILA POLICE DISTRICT (MPD) NA SI TATA NINO MARTIN NA MAGIGING ISANG GANAP NA TATAY NA SA MGA SUSUNOD NA ARAW.
HINAHANGAD NG MGA MAHAL MO SA BUHAY SAMPU NG IYONG MGA KAIBIGAN ANG PAGPAPALA NG MAYKAPAL SA IYONG BAGONG HAMON SA BUHAY NA HAHARAPIN KASAMA ANG IYONG SUPLING… CONGRATS, GOD BLESS, MABUHAY!!!!

The post Pagsusuot ng face shield hindi na mandatory sa lungsod ng Maynila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagsusuot ng face shield hindi na mandatory sa lungsod ng Maynila Pagsusuot ng face shield hindi na mandatory sa lungsod ng Maynila Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.