NANAWAGAN si Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng mga magulang at guardians na may anak na edad 12 hanggang 17 na bedridden, wheelchair-bound o physically incapable na iparehistro na para sa home vaccination.
Tulad ng ginawa sa mga matagandang bedridden ang mga menor de edad na physically incapable ay sa bahay din babakuhan nang mismong Bise Alkalde ng Maynila na si Honey Lacuna na isa ring doktor at ng kanyang vaccinating teams.
Sinabi ng alkalde na bago pa naganap ang pandemya, si Lacuna na siyang pinuno ng vaccination program ng lungsod ay nagbabahay-bahay sakay ng kanyang motorsiklo upang magbigay ng libreng medical services.
“Kung dati binakunahan natin ang mga lolo’t lola na bedridden sa bahay, ‘wag kayo mag-atubili, mahihiya o maiilang. Please inform us and we will go to your place. This is a first in the country at si Vice Mayor Honey pa mismo nagbabakuna,” sabi ni Moreno.
Ayon kay Moreno, ang kailangang gawin lamang ay magrehistro sa kanilang barangay,. Ang listahan ng mga nagparehistro ay ibibigay naman ng barangay sa Manila City Hall para sa scheduling at first come, first served basis.
Samantala ay gagawin na ngayong weekend ang mass vaccination ng general population ng minors na edad 12 – 17 sa apat na shopping malls na dati ring ginawang venue para sa mass vaccination ng mga matatanda bukod pa sa mga city hospitals.
“Kung pano namin binakunahan ang 18 years old and above, ganoon din ang sistema. Mabilis, kung kaya’t kami ay umabot sa 130 percent although 70 percent lang ang goal,” pahayag ni.Moreno na ipinagmalaki rin ang kahusayan ng mga s vaccinating teams sa pangunguna ni Lacuna at Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan.
Ayon pa kay Moreno, nasa proseso na ang pamahalaang lungsod kung saan sinasagad nila ang mga barangay sa paghahanap ng mga tatanggap nng bakuna.
Mula sa numerong iniulat ni Lacuna, sinabi ni Moreno na mula sa dating 47,000 – 50,000 nababakunahan araw-araw, ay 2,000 hanggang 3,000 na lang ang nababakunahan.
Ang first dose vaccination ng qualified minors at adults ay sabay na gagawin ngayong araw ng Biyernes sa ilalim ng ‘open policy’ kung saan tatanggapin ang mga residents at non-residents, kabilang na ang walk-ins.
Sinabi ni Lacuna na ang bakuna ng adults na nasa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups ay gagawin sa 45 health centers mula District 1 hanggang District 6 (200 doses per site) at sa apat na mall sites (500 doses per site). Kailangan nilang magdala ng identification card, printed waiver form o QR code para sa verification.
Ang mga minors naman ay babakunahan sa anim na ospital na pinatatakbo ng lungsod, kung saan 500 doses ang nakalaan bawat isang ospital. Sa initial rollout nitong Miyerkules, umabot ng 7,143 ang kabuuang nabakunahan.
Pinaalala ni Lacuna sa mga kasama ng mga minors na dalhin ang kanilang birth o baptismal certificate, school ID, person with disability(PWD) ID o kahit na anong valid ID.
Para sa mga may o comorbidity, sinabi ni Lacuna na kailangang dalhin ang medical certificate na pirmado ng doktor, idinagdag din niya na kailangang pirmahan ang consent at assent form sa vaccination site.
Binigayang diin pa ni Lacuna na ang health protocols ay istriktong ipinatutupad at hinihikayat ang mga magpapabakuna na magsuot ng face masks at sumunod sa physical distancing. (ANDI GARCIA)
The post Panawagan ni Isko: Minors na bedridden o physically incapable iparehistro para sa home vaccination appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: