Facebook

Pasalamat kina NCRPO Chief Danao, Ch. Zeny Laurel at Asian Taste

BAGO ang lahat, nais kong ihayag ang abot-abot din ang pasasalamat ng mga residente ng Barangay 532 sa Sampaloc sa kanilang Chairwoman na si Zeny Chavez -Laurel at gayundin sa lahat ng mga opisyal at tauhan nito at mga pribadong indibidwal na tumulong sa kanila nung mawalan ng tubig sa kanilang lugar dala ng kagalingan ng Maynilad.

Malaki rin ang naitulong ni Richie Laurel ng Manila City Hall sa pages-set up ng portable swimming pools na nagsilbing salukan ng tubig ng mga residente sa loob ng apat na araw.

Nagpapasalamat din ang mga residente sa tulong na ibinigay ni Col. Caloy Baltazar na nagpahiram ng portable swimming pools at kay Alvin San Pedro ng Emerald Fire Rescue Volunteer, para sa nasabing water supply.

***

Bigyang-daan din natin ang matinding papuri ng mga ‘highly-satisfied customers’ sa serbisyong naranasan nila sa Asian Taste Seafood Bay Restaurant sa Seascape Village sa Pasay City.

Hindi lang daw masarap ang pagkain doon kundi ubod pa ng bait at maasikaso ang mga staff sa pangunguna ng mga managers nitong sina Arnel Tan at Joseph Yu, gayundin ang captain waiter na si Alvin Parcon at mga waiters na sina Ariel Zarate at Ricky Cabral.

Kaaya-aya ang lugar dahil open air at may sapat na distansiya ang bawat lamesa.

***

Natuwa ang mga miyembro ng Manila Police District (MPD) sa ginawang pagbisita sa kanila ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief P/ Major Gen.Vicente Danao, Jr. kelan lang dahil sa malaman nitong pananalita. Nagbigay din ito ng parangal sa ilang tauhan ng MPD bukod pa sa cash incentives.

Nagbigay din si Danao ng extra na pondo para sa MPD bilang parangal at insentibo dahil ang MPD, sa ilalim ng pamumuno ni District Director P/ Brigadier General Leo ” Paco” Francisco , ay itinanghal bilang ‘Most Valuable District.’

Pinaalalahan din ng NCRPO chief ang mga kapulisan na huwag sasayangin ang suporta at tulong na ibinibigay ni Mayor Isko Moreno para sa kanila at ibalik umano nila ito sa pamamagitan ng maayos na serbisyo sa lahat ng oras.

Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng wastong koordinasyon at kooperasyon sa pagitan ng pulisya at lokal na gobyerno lalo na pagdating sa pagmamantina ng ligtas, tahimik at maayos na eleksyon.

Binalaan din ni Danao ang kapulisan na huwag nang isipin man lang na masangkot sa mga iligal na gawain lalo na sa droga dahil hindi sila makaliligtas sa ilalim ng kanyang ‘Oplan Litis.’

Pakinggan sana ng mga pulis ang babalang ito ni Danao dahil tiyak, hindi ito nagbibiro at pruweba niyan ay nang siya ang hepe ng MPD.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.

The post Pasalamat kina NCRPO Chief Danao, Ch. Zeny Laurel at Asian Taste appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pasalamat kina NCRPO Chief Danao, Ch. Zeny Laurel at Asian Taste Pasalamat kina NCRPO Chief Danao, Ch. Zeny Laurel at Asian Taste Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.