Facebook

Pulis, 1 pa arestado sa kidnapping

Arestado ang isang aktibong pulis at kasamahan nito nang ireklamo nang kidnapping sa isang lalaki sa Paco, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Patrolman Wilfredo Mindanao, 42, may-asawa, miyembro ng PNP, kasalukuyang nakatalaga sa PSPG Comelec Intramuros at nakatira sa 1245 Trece De Agosto, Paco, Manila; kasama ang isa pa na si Romeo Aday, 47,driver at residente ng Purok 5, Sinalhan Santa Rosa City, Laguna.

At kinilala ang biktima na si Jovito Abejo, 54, helper ng 1225 Trece De Agosto Paco, Maynila.

Sa ulat ng MPD, nangyari ang insidente nitong Biyernes nang dumulog sa Paz Police Community Precinct of this Station,si Rissa Salva, 45, ng Singalong, Malate dahil sanangayring kidnapping na nanghihingi ng halagang P50,000 kapalit ng kalayaan ng biktima.

Nauna rito, namataan umano ng suspek na si Aday ang biktima Biyernes ng umaga sa ilalim ng Trece De Agosto Bridge sa Paco, Maynila at nagpakilalamg NBI nang makitang may hawak na plastic sachet ng shabu ang biktima.

Kasunod nito, dinala ang biktima sa kanilang bahay saka hinihingan ng pera.

Agad namang nagsagawa ng hot-pursuit operation para masagip ang biktima at pag-aresto sa mga suspek.

Nakipag-ugnayan din ang mga otoridad sa kay Punong Barangay Benigno Addun, ng Brgy. 679, Paco, Maynila, at agad na tinungo ang lugar kung saan naroon ang suspek at biktima na noo’y guwardiyado.

Dahil dito, humingi ng back-up ang Paz PCP sa Paco PCP, PS-5 at pagsapit sa lugar ay nakita ang mga suspek na binabantayan ang biktima na nagresulta ng kanilang pagkakaaresto at pagkakasagip sa biktima.

Nadiskubre din sa lugar ang isang sachet ng shabu, mga cellphone na gamit ng mga suspek.

Kakasuhan ng Alleged Serious Illegal Detention (Kidnapping), Usurpation of Authority, at paglabag sa Sec. 11 Art. Il of R.A. 9165 ang mga suspek at nakatakdang iprisinta sa Manila City Prosecutor’s Office.(Jocelyn Domenden)

The post Pulis, 1 pa arestado sa kidnapping appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis, 1 pa arestado sa kidnapping Pulis, 1 pa arestado sa kidnapping Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.