Facebook

Bahay niratrat: 4 patay, 2 sugatan

Patay ang apat na katao habang dalawa ang sugatan sa naganap na pamamaril sa bayan ng Milaor sa Camarines Sur, nitong Biyernes.

Kinilala ang mga nasawi na sina Romeo De Leon, 72; Samuel Coabilla, 21; Ruby Britanico, 9; at Gabby John Britanico, 6.

Habang sugatan naman sina Noel Agliones, 9 at Haygis Britanico, 7.

Sa ulat, namaril ang hindi pa nakikilalang gunman sa loob ng kanilang tahanan 5:45 ng hapon gamit ang M16 rifle.

Samantala, sinabi ni Police Major Maria Luisa Calubaquib, Bicol police spokesperson na ikinasa na ang manhunt operation laban sa salarin.

The post Bahay niratrat: 4 patay, 2 sugatan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bahay niratrat: 4 patay, 2 sugatan Bahay niratrat: 4 patay, 2 sugatan Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.