Facebook

Brgy. chairman itinumba habang nagdidilig

Patay ang isang barangay chairman na sumusuporta kay incumbent mayor Sylvia Austria nang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Lambakin, Nueva Ecija.

Kinilala ang biktima na si Zoilo “Anlo” De Belen, 56 na kapitan ng Barangay Lambakin.

Kinilala ni P/Major­ Baltazar Corpuz, hepe ng Jaen Police, ang biktima na si Zoilo Quijano de Belen, 56- anyos, may-asawa at chairman ng Barangay Lambakin.

Sa inisyal na ulat, 5:30 ng umaga nitong Huwebes nagdidilig ang biktima sa mga tanim na halaman sa arko ng kanilang barangay nang hintuan ng isang itim na kotse at pinagbabaril ito.

Tatlong tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang tumapos sa buhay ni De Belen, na kilala sa tawag na “Kap Anlo” sa kanyang mga ka-ba­rangay.

Nabatid na may ilan ding nagdya-jogging na mga kabataan na nakakita sa kotseng itim na sinasakyan ng mga salarin.

Inaalam pa ng pulisya sa isinasagawa nilang imbestigasyon kung may kinalaman ang pagpaslang sa pulitika o sa personal na buhay ng biktima.

The post Brgy. chairman itinumba habang nagdidilig appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Brgy. chairman itinumba habang nagdidilig Brgy. chairman itinumba habang nagdidilig Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.