Facebook

5 Pekeng staff ni Pacquiao huli sa kotong

Naaresto ng Caloocan City Police ang limang indibidwal na nangikil at nagpakilala umanong staff ni Sen. Manny Pacquiao.

Sinabi na nagbebenta ang mga ito ng daily time record na P30 bawat isa.

Modus ng grupo na mangako sa kanilang biktima ng P7,000 cash aid mula kay Pacquiao.

Samantala, nilinaw naman ni Pacquiao na wala siyang kaugnayan sa mga ganitong grupo o scheme.

“Marami po nagdadala ng pangalan ko at naghihingi po ng pera. Meron po iba na gumagamit po ng aking pangalan na namimigay sa mga residente ng pera. Di po totoo ‘yan.Wala pong katotohanan ang lahat ng ‘yan dahil kung ako po ang mamimigay sa sarili kong pera, ako po mismo ang pumupunta sa inyo at sa kababayan natin para mamigay ng tulong,” saad ni Pacquiao.

Nanawagan naman ang senador sa publiko na makipag-ugnayan sa kanyang opisina sa 0960-523-8987 o 0960-523-8988.

The post 5 Pekeng staff ni Pacquiao huli sa kotong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
5 Pekeng staff ni Pacquiao huli sa kotong 5 Pekeng staff ni Pacquiao huli sa kotong Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.