Facebook

PASIG STA LUCIA REALTORS NALUSUTAN NG DAVAO OCC.COCOLIFE TIGERS

DUMAAN sa butas ng karayom ang Davao Occidental COCOLIFE Tigers bago paluhurin ang Pasig Sta.Lucia Realtors 68-66 sa pagpapatuloy ng elimination round ng FILBASKET Subic Championship sa Subic Bay Gym,SBMA sa Olongapo City.

Mula sa mahigpitang first half,umalagwa ang tropang Pasig pasimuno si Cedric Ablaza katuwang sina Ryan Castelo,Jeric Teng at tinampukan ng tatlong sunod na tres ni Jerald Bautista upang iwanan ang Davao COCOLIFE ng double- digit na bentahe,52-39 dalawang minuto ang nalalabi sa ikatlong yugto.

Binura naman ng Tigers nina Davao Occidental Gov.Claude Bautista,Rep. Claudine Bautista Lim,manager Dinko Bautista at suportado nina COCOLIFE President Atty. Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque,sa pagputok ng opensa ni Alwyn Alday kaagapay sina Paulo Hubalde,Gab

Dagangon,Marco Balagtas,Billy Robles Bonbon Custodio hanggang maitabla ang laban 66- all sa instant offense long trey ng kapapasok na si John Wilson. 37 segundo na lang sa laban.

Isang krusyal na error ang na-commit ni Pasig frontliner Jexter Apinan sa kanyang ill-advised foul pitong segundo sa buzzer upang ihatid nito si Tiger Robles sa free throw line dahil sa penalty upang umabate ng isa ang Davao nang sadyaing split conversion at nakuha pa ang final possession para sa isa pang trip to the line para kay Robbie Celis tungo sa pagposte ng Davao Occ.Cocolife sa 4-1 kartada at mapatatag ang kanilang misyong mahablot ang semifinal slot ng basketball bubble.

It’s a close shave.Focus lang at remain humble”,pahayag ni Tigers deputy manager Ray Alao na nagpasalamat sa tatag ng mga plays sa endgame ni coach Matt Makalintal at sa suporta sa buong management at sponsors gayundin kay basketball operation head Bhong Baribar.

“ Di kami nag-rattle kahit malaki ang lamang dahil alam naming kayang bumalik basta tutok lng at teamwork,” wika naman ng best player of the game na si Alday na may 14 puntos at 3 rebounds.

The post PASIG STA LUCIA REALTORS NALUSUTAN NG DAVAO OCC.COCOLIFE TIGERS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PASIG STA LUCIA REALTORS NALUSUTAN NG DAVAO OCC.COCOLIFE TIGERS PASIG STA LUCIA REALTORS NALUSUTAN NG DAVAO OCC.COCOLIFE TIGERS Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.