Facebook

Salpukan ng 2 motorsiklo: 3 nasawi, 1 kritikal

TATLO ang nasawi motorcyle accident sa National Highway, Barangay New Rizal, Mlang, Cotabato, Sabado ng gabi, November 6, 2021.

Kinilala ang dalawang nasawi noon din na sina John Raymond Gaquing, data encoder ng Mlang Slaughter House at residente ng Pulang Lupa, Mlang; at Bryan Jay Rendon, 18, ng Purok 4, Barangay Sangat, Mlang.

Samantalang sa pagamutan binawian ng buhay si Clark Clavel, nasa wastong edad, pinsan ni Raymond.

Maselan naman ang kondisyon ni Jerivin Vigo Tingoha, nasa wastong edad, ng Magsaysay Poblacion, na angkas naman ni Rendon.

Ayon sa report, 8:44 ng gabi habang binabaybay ang kahabaan ng daan sa New Rizal sakay ng motorsiklo at papauwi na sa Mlang sina Rendon mula Davao Delo Sur at ankas nito si Tingoha nang salpukin sila ng isa ring motorsiklo na minamaneho ni Gaquing mula Brgy. Bagontapay at papauwi narin sa Brgy. Pulang Lupa.

Dahil sa lakas ng impact pare-parehong nagtamo ng malalang sugat sa ulo at bali sa katawan ang mga biktima dahilan ng kanilang agarang kamatayan.

Nasa kostudiya ng Mlang PNP ang mga motor na sangkot sa malagim na aksidente.

The post Salpukan ng 2 motorsiklo: 3 nasawi, 1 kritikal appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Salpukan ng 2 motorsiklo: 3 nasawi, 1 kritikal Salpukan ng 2 motorsiklo: 3 nasawi, 1 kritikal Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.