Facebook

Second wave

BALIKAN natin ang 2019 mid-term election. Ang panahong ito ang nagpasakit sa ulo ng karamihan sa mga politiko lalo na ang pamilya ni dating Presidente at Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada.

Powerful families, hindi partido, ang naging pundasyon ng politika dito sa Pilipinas. At nangyari na nga ang pagguho ng pundasyon dahil ipinakita ng mga botante na sila ang mas makapangyarihan sa lahat pagdating sa balota.

Marami rin pamilyang politiko ang natalo pero ang masyadong na-apektuhan si Estrada sa kanyang tangkang ikatlong termino sa Lungsod ng Maynila. Subalit nawalan na ng bisa ang kanyang slogan na “Erap para sa mahirap” na dating kinapitan at tumanim sa isipan ng maraming mahihirap na Filipino.

Nadamay sa pagkatalo ang dalawa niyang anak na sina Jinggoy Estrada at JV Ejercito na magkasabay na tumako sa pagka-senador at ang kanyang mistress na si Ghia Gomez na natalong alkalde sa San Juan City.

Sa hanay naman ng mga oposisyon, ang mga kandidato ng Liberal Party (LP) “Otso Diretso” ayun, lahat sila diretso nga sa inidoro.

Muling ipinakita ng mga botante ang kanilang kapangyarihan sa balota!

Ngayong papalapit na ang 2022 Presidential and Local Elections, sa nakikitang kong takbo ng kampanyahan at sa takbo ng mga kaganapan sa social media, maraming netizens na ang aktibong sinusundan ang bawat galaw ng kandidato lalo na ang mga kalahok sa presidential race, gayundin naman sa local politics.

Magkaroon kaya ng second wave ngayong 2022 elections?

Ito’y paalala lamang sa mga politikong akala nila’y hindi na sila magigiba! Kapag gumuho ang pundasyon, aba’y tuloy-tuloy na ‘yan at totoo nga ang sinasabing “pupulutin ka sa kangkungan!”

Mga boss, nangyari na po ito!

Ang sabi ng mga residente sa lalawigan ng Quezon, ang normal na gawi ng mga snatcher, akyat-bahay, holdaper at iba pang kawatan e magnanakaw muna bago tumakbo.

Ay, malaking pagkakaiba raw ire sa politikong tatakbo muna bago magnakaw!

Ang usap-usapan sa bawat sulok ng lalawigan, kapag naluklok daw muli sa pwesto bilang Gobernador itong si Danny Suarez, e “ilang taong kalbaryo at pagsaid na naman sa pondo ng lalawigan ang kakamalin ng pinakamatinding magnanakaw sa Quezon.”

Ito raw ang tinaguriang “Suarez Gang.” Tatakbo muna bago magnakaw!

Kaya ang apila ng mga residente doon,’wag ibalik ang mga magnanakaw!

May residenteng nakagawa pa ng tula: “Grabe ang kapal ng mukha ng paminta na ‘to. Talagang hindi papayag mawala sa pwesto. Sa daming kaso ng pagnanakaw na naisampa sa kanya. Hindi talaga nahiya na tumakbo at mangampanya. Mangurakot at magnakaw lang ang alam. Tunay nga na ganid, walang konsensya at walang pakiramdam. Pamilya ninyo na pabaya, inutil at puno ng kasamaan. Sa araw ng botohan, maniningil ang sambayanan. Paghahari-harian ninyo ay wawakasan. Nang sa wakas, humimas kayo ng rehas sa kulungan.”

Sa Kasalukuyan, limang posisyon ang hawak ng pamilya Suarez. Si Danny, ang patriarch ang may hawak sa buong lalawigan, bilang gobernador. Ang kanyang asawang si Aleta ang kinatawan para sa Ikatlong distrito sa House of Representatives at si Jayjay naman ang kinatawan sa ika-2 distrito. Ang asawa ni Jayjay na si Rep. Anna Villaraza-Suarez ang kinatawan ng Alona partylist at Jet Suarez, Quezon 3rd Provincial District Board Member.

Indeed, a powerful family!

Magkaroon kaya ng second wave?

***

Gaya-gaya, puto maya

“ERAP para sa mahirap” ginaya ni Manny Pacquiao ‘Mananatili ako na para sa mahirap.’

Alam nating lahat na galing sa mahirap si presidential aspirant Manny Pacquiao bago narating ang rurok ng tagumpay. Nakipagbasagan ng mukha sa iba’t ibang professional boxers bago makuha ang 8th division world title. “Para sa bansa ang laban na ‘to!” ang palaging bukang-bibig ng kampeon.

Ngayong kampanyahan, pinapangalandakan pa rin ng tinaguriang “Pambansang Kamao” na siya’y para sa mahirap at hinding-hindi tatalikuran ang pagbibigay ng tulong para sa mga mahihirap.

Well and good!

Kawawang-kawawa ang mahihirap na Filipino kapag panahon na ng eleksyon. Masyadong gamit na gamit ang kanilang kalagayan at totoong pinagsa-samantahan sila ng mga kandidato.

Lahatin na natin! Wala kang maririnig sa mga politiko kundi ang kalagayan ng mga mahihirap na ilang dekada nang naghihikahos subalit ang politikong pulpol, ayun nagpapasarap ang damuho, nagpapalaki ng betlog!

***

GREETINGS: Kay Ms. Joyce de Leon ng Valenzuela City, ang maganda at masipag nating suki sa on-line selling. Hi Ms. Joyce, sana mag-boom ang on-line selling mo! Keep it up! Happy birthday (November 3) to my daughter Martina, to my cousin former Prosecutor General Jun Catalan on November 7 and to my best friend Antonio “Toti” Bautista on November 24. The Caloocan High School Batch ’72 will celebrate their 50th Grand Reunion on February 22, 2022 at Leticia’s Garden in Calumpit, Bulacan. Those interested may call Ms. Zenaida Valdez @ 0998-970-6373 and 0918-916-1858. Batch mates, kita-kits tayo sa February 22. Kalimutan muna natin ang politika! Magsaya, magbatian, magyakapan, mag-iyakan, magtawanan at higit sa lahat kumain ng mga masasarap na pagkain na inihanda ng CHS Batch ’72 food committee.

The post Second wave appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Second wave Second wave Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.