Napa-wow ang mga netizen sa lokal na pamahalaan ng Baco, Oriental Mindoro nang pailawan nito ng libo-libong kandila ang kanilang public cemetery upang iparamdam sa mga yumao nilang kababayan ang pagmamahal at pag-alala ngayong Undas.
Hindi raw kasi puwedeng bumisita ang kanilang mga residente sa sementeryo bilang pag-iingat sa Covid-19 kaya naman sila na ang nagtirik ng kandila para sa mga patay.
Sinimulan nila ang programa noong nakaraang taon upang makaiwas sa pagdagsa ng mga tao ngayong pandemya.
Nagliwanag ang Baco Public Cemetery matapos sindihan ang mahigit sa 2,000 kandila.
Bukod sa pagsisindi ng mga kandila, nilinis din umano nila ang mga puntod kaagapay ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, PNP-Baco, Guardians Brotherhood at iba pang empleyado ng munisipyo.
The post Sementeryo tinirikan ng libo-libong kandila appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: