Facebook

Supercar dealers sacred cow sa BOC at NBI?

LIGAL ang mga magagara at mamahaling sasakyan o higit na kilala sa tawag na “supercar” na naglipana sa maraming panig ng bansa kung ang mga dealer ng mga ito ay kinikilala ang batas at allituntunin sa pag-angkat ng mga ito mula sa ibang bansa.

Ligal ang negosyo sa supercar kung nagbabayad ang mga dealer nito ng taripa sa Bureau of Customs (BOC).

Hindi lang dapat taripa, kundi tamang taripa o buwis.

Kaso, hindi raw, ayon sa impormanteng matagal nang sinusubaybayan ang katiwalian at korapsyon sa BOC.

Pokaragat na ‘yan!

Nakalulusot daw sa BOC ang mga mamahalin at magagarang sasakyan, kapalit ng ibinibigay na malaking tara o padulas sa mga korap na opisyal ng BOC.

Dahil magara rin ang tara sa bawat isang yunit ng magara at mamahalang sasakyan, lusot ito sa BOC.

Pokaragat na ‘yan!

Ang mga supercar na ito ay walang dudang magagara at mamahalin ang presyo, kaya imposibleng hindi nakarating sa pamunuan ng BOC, partikular kina Commissioner Rey Leonardo Guerrero at Deputy Commissioner Vener Baquiran, ang tungkol sa mga produktong ito.

Kung ignorante ang liderato ng BOC o sina Guerrero at Baquiran sa pagpapasok ng mga supercar, hindi nakagugulat kung mayroon mga taong magsasabing ‘inisahan’ sila ng mga korap sa BOC.

Ang tanong naisahan ba talaga?

Ayon sa balitang lumabas sa isang online news, mahigit 70 ang mga supercar na ipinasok sa BOC.

Ang masama rito ay kuwestyonable raw ang mga dokumento nito.

Posibleng mayroon umanong daya ang mga papel ng mga supercar.

Pinalalabas na “latest model” ang mga supercar, ngunit ang totoo ay hindi. raw

May problema raw ang mga ito sa
chasis dahil hindi pareho ng sinasabing taon ng modelo ng supercar.

Halimbawa, 2020 ang sinabing taon ng modelo ng supercar, ngunit ang totoo ay hindi 2020.

Pokaragat na ‘yan!

Pati sa mga magagara at mamahaling sasakyan ay may mga nandurugas din pala.

Tinuran ng mapagkakatiwalaang impormante na ang mga taong sangkot sa pandurugas na ito na sina alyas “Ricochard”, alyas “Muudy” at alyas “Jeysoon” ay bantog daw sa negosyo ng dealership ng sasakyan.

Kumbinsido ang impormante ng BIGWAS! na “sacred cow” sina alyas Ricochard, alyas Muudy at alyas Jeysoon dahil nailulusot nila ang kanilang mga supercar kapalit ang magarang padulas sa mga korap na opisyal sa BOC.

Maliban diyan, ginagamit nina alyas Ricochard, alyas Muudy at alyas Jeysoon ang ilang mayayaman at makapangyarihang negosyante sa bansa tulad ni Dennis Uy.

Si Uy ang pinananiwalaang “crony” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Napabalitang P30 milyon ang iniambag ni Uy sa kampanya ni Duterte noong halalang 2016.

Nang maging pangulo si Duterte, umarangkada ang mga negosyo ni Uy, lalo na sa telekomunikasyon at petrolyo.

Pokaragat na ‘yan!

Pero, hindi pasok sa negosyo ng car dealership si Uy, kaya malabong sangkot ang negosyanteng ito sa kabulastugan nina alyas Ricochard, alyas Muudy at alyas Jeysoon.

Hindi ko pa alam ang mga pangalan ng dalawa o tatlo pang mayayaman at makapangyarihang negosyanteng sinasandalan nina alyas Riocochard, alyas Muudy at alyas Jeysoon.

Ang banggit lang ng impormante ay nakabase sa Region 1 ang isa, samantalang ang isa pa ay nakatira sa Visayas Region.

Napansin ng impormante na hindi lang sa BOC sacred cow sina alyas Ricochard, alyas Muudy at alyas Jeysoon, kundi sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ito’y dahil hindi raw hinuhuli o iniimbestigahan man lang ang tatlo.

Mainam talagang hagilapin at imbestigahan ng mga operatiba ng NBI sina alyas Ricochard, alyas Muudy at alyas Jeysoon upang malaman ang katotohanan ukol sa umano’y pandaraya nila sa mga supercar.

The post Supercar dealers sacred cow sa BOC at NBI? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Supercar dealers sacred cow sa BOC at NBI? Supercar dealers sacred cow sa BOC at NBI? Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.