Facebook

Suporta sa team Mayor Isko Dumagsa at Cainta LGU subject for sunctions ng DILG?

MALAMANG Land Slide victory ang mangyayari sa halalan 2022 at ito ay sa pagitan ng Aksiyon Demokratiko Team Mayor Isko Moreno, eh biruin nyo naman mga Ka Usapang HAUZ kaliwat kanan maging saan mang sulok ng bansa ay may mga nagpapaabot ng boluntaryong suporta sa pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa kilalang Batang Maynila.

Para sa kaalaman ng Sambayanan, nito po lamang nakalipas na araw ilang mga dating bigating government secretaries ang nagpaabot ng kanilang mainit na suporta para kay Mayor Isko sila ay kinabibilangan nina dating D.A Secretary Leonardo Montemayor, DAR, Secretary Hernani Braganza, DTI Secretary Ernesto Ordonez at iba pa.

Nito lamang nakaraang Linggo bago pa gunitain ang “Araw ng mga Patay” ibat ibang organisasyon ang nagtipon tipon sa Caloocan City para ipahayag ang kanilang suporta sa team Mayor Isko Moreno na kinabibilangan ni Congressman Egay Erice.

Umagos din ang suporta mga Ka Usapang HAUZ ng iorganisa ang Dialogue with Quezon City Volunteers for Isko na ginanap sa Quezon Memorial Circle tent city at isa sa kilalang personalidad ang mga nagpahayag ng kanilang suporta tulad ni Tim Orbos maging si Councilor Belmote na kapatid ng Alkalde ng Lungsod.

Ang isa pa sa lalong nagpabaha ng suporta sa Team Mayor Isko 2022 na nangako ng 1 milyong boto mula sa Lalawigan ng Batangas Senator Ralfh Recto sampu ng mga halal na opisyal ng lalawigan na kinabibilangan ng Congressman Mayor’s Vice Mayor’s, City and Municipal Councilors maging ang mga Kapitan at Kagawad.

Naniniwala ang mga boluntaryong nagpahayag ng kanilang suporta sa Team Isko for 2022 dahil sa mga adhikain ni Yorme tulad ng “Buhay at Kabuhayan Tao Muna, Umatras ang Gobyerno Umabante ang Tao”.

Muntik ko nang malimutan mga Ka Usapang HAUZ habang isinasagawa ang programa ng Dialogue with Volunteers for Isko nagawang ibida ni ginoong Orbos ang kanyang nagustuhan sa pamamamalakad ni Yorme sa Maynila ito ay ang sa Maynila yung sinasabing tatapusin ng 10 taon nagawa lang ng 2 taon kaya ang hamon sa mga volunteers tayo na’t magparami.

Ang lahat naman ng nagpahayag ng kanilang boluntaryong pagsuporta sa Team Isko ay nagpaabot ang presidential aspirant ng pasasalamat sa mga nagtitiwala sa kanyang kakayahan na maglingkod sa buong bansa.

***

Mayroong ipinalabas na kautusan ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa mga Local Government Unit with slow Covid-19 vaccination drive at ito ay ipinagutos kay DILG Secretary Eduardo Ano na mag impose ng sunctions laban sa mga lokal na pamahalaan.

Mukhang mapapabilang rito ang pamahalaang lokal ng Munisipalidad ng Cainta, ito ay ang Umano’y mababang porsiyento ng mga fully vaccinated individual sa mga bawat Barangay.

Nais tanungin ng Usapang HAUZ ang Alkalde ng Cainta Kieth Nieto na gaano katutuo ang napaulat na umaabot sa 150k indibidwal ng nabakunahan at ang total population ng Bayan ay halos aabot sa 320k.

Ang tanong mayor Nieto ang 150k bang indibidwal na nabakunahan na ay mga nakatanggap na ng sinasabing 2nd dose magkaganun man ay halos wala pa rin sa kalahate ng populasyon ng Cainta ang sinasabing ligtas sa deadly Covid-19 virus.

Gaano rin katutuo mayor Kieth ang napaulat na may priority kayo pagdating sa implementation ng vaccine drive una pag umano’y alam mong kalaban sa politika ay pipila ng halos isang milya at pagkapanalig naman ay agad itong aasikasuhin may kasama pang ayudang bigas?

Bukod sa pahirapang pagkuha ng vaccine form tanungin ka rin ng Usapang HAUZ mayor Nieto kung gaano ka-tutuo na ang SAP ayuda para sa bawat pamilya ay halos marami ang hindi pa nakakatanggap partikular sa area ng Cainta Floodway.

Kuwestiyunin na rin natin ang hindi pagsunod sa health protocol ng mga humihingi ng tulong sa iyong tanggapan na halos hindi mahulugang karayom sa pagsisiksikan, isama na rin natin sa dapat sagutin ng butihing mayor ng Cainta kung mayroon silang ipinatutupad na kautusan hinggil sa mga mga hospital waste partikular ang ginamit sa mga pasyente na nagpositibo sa covid-19 na kung saan nila ito itinatapon maging ang mga face mask na nagkalat sa lansangan.

Bukas ang espasyo ng Usapang HAUZ sa inyong pagtugon sa mga katanungan Cainta Mayor Kieth Nieto.

***

Para sa inyong mga Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036

The post Suporta sa team Mayor Isko Dumagsa at Cainta LGU subject for sunctions ng DILG? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Suporta sa team Mayor Isko Dumagsa at Cainta LGU subject for sunctions ng DILG? Suporta sa team Mayor Isko Dumagsa at Cainta LGU subject for sunctions ng DILG? Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.