
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Sa isip ng may unawa ang nananahan ay karunungan, ngunit ang mangmang ay walang kaalaman…” (Mga Kawikaan 14:33, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
“TAMBALANG I-M”, O SARA FOR PRESIDENT, IMEE MARCOS FOR VICE PRESIDENT, LUMILITAW PARA SA HALALAN 2022: Habang papalapit ang November 15 deadline for substitution of candidates para sa Halalan 2022, patuloy naman ang palitan ng pananaw sa buong bansa kung sino ang mga papalitan at sino ang mga magpapa-palit sa iba’t ibang posisyon, partikular sa mga posisyon ng pangulo at pangalawang pangulo.
Nagkagulo ang maraming nagmamatyag sa pulitika kahapon ng ibalita mismo ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio sa kaniyang sariling Facebook account ang pagwi-withdraw niya ng kaniyang certificate of candidacy bilang Davao City mayor, at ng utos niyang mag-withdraw din ng certificate of candidacy bilang vice mayor ng kaniyang kapatid, si Sebastian Duterte.
Walang binabanggit si Mayor Sara kung ano ang kaniyang pinal na posisyong tatakbuhan pagdating ng Nobyembre 15, 2021, pero ngayon pa lamang ay marami na ang nagpupustahan kung presidente ba o bise presidente ang kaniyang aambisyunan.
Sa palatuntunang “1 Boto Ko TV, 14th Episode” ng One Vote Our Hope Movement noong umaga ng Miyerkules, Nobyembre 10, 2021, ipinahayag ni Atty. Melchor Magdamo, isang dating opisyal ng Commission on Elections na nagbitiw sa kaniyang tungkulin sa poll body matapos niyang isangkot sa daang-milyong pisong anomalya ang ilang matataas na opisyales ng Comelec sa tinawag niyang “voting folder scam”, na may nabuo ng tandem sa ngayon sa pagitan ng Marcos at Duterte camps, na siyang ilalaban nila sa Halalan 2022.
Ayon kay Atty. Magdamo, ang pagsasamang ito ng mga Marcoses at Dutertes ay maglulunsad ng kanilang “Tandem I-M 2022”. Ang ibig sabihin ng “I-M”, ayon kay Atty. Magdamo kanina, ay “Inday Sara for president, Manang Imee for vice president.”
***
WITHDRAWALS AT SUBSTITUTION OF CANDIDATES, LALO NA SA NOBYEMBRE 15, MAGPAPABAGO SA TAKBO NG ELEKSIYON SA SUSUNOD NA TAON: Ipinaliwanag ni Atty. Magdamo na plantsado na ang nasabing tandem, ayon na rin sa panukala ng isang dating mataas na opisyal ng bansa. Nauna ng lumutang sa mga text messages at sa iba’t ibang social media platorms kahapon, matapos ihayag ni Mayor Sara ang withdrawal ng kaniyang COC for mayor sa Davao City.
Ayon sa mga messages na ito, ang magiging mga kandidato ng mga Marcoses at Dutertes sa susunod na taon ay Sara for president, at dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. (o BBM) ang kaniyang vice president. Diumano, ito ay inayos ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Ganito ang sinasabi ng text message: “It’s Sara for Pres, BBM for VP brokered by GMA. BBM had no choice otherwise Comelec will DQ him upon instruction of Du30…” Batay sa mga balita, tinanggihan ng dating Pangulong Arroyo ang nasabing text message. Itinanggi din ng isa sa mga dating kaalyado niya na sa kaniya, o sa kaalyado, nagmula ang text message na ito.
Lumilitaw na nagkamali ang lahat sa mga haka-hakang pumayag si Bongbong na maging kandidatong bise-presidente na lamang, batay sa pahayag ni Atty. Melchor Magdamo, Comelec whistleblower na noon ay nag-akusang ang isang “voting folder” na ginagamit sa araw ng botohan ay binili sa halagang P350.00 gayong ang tunay na bayad para sa bawat isa nito ay P35.00 lamang.
Sinabi ni Atty. Magdamo sa broadcast ng “1 Boto Ko TV 14th Episode” noong Miyerkules, Nobyembre 10, 2021, na si Sara pa din ang tatakbong presidente, at si Senador Imee Marcos ang kaniyang running mate. Dahil dito, mag-wiwithdraw si Bongbong ng kaniyang kandidatura, at papalitan siya ni Sara.
-ooo-
“TAMBALANG I-M 2022”, SI GMA ANG NAGSUSULONG?: Samantala, ang tandem ni Sara at Imee ay tatakbo, hindi sa ilalim ng partido ni Sara na Hugpong ng Pagbabago, kundi sa ilalim ng PDP Laban Al Cusi wing, ang bahagi ng PDP Laban na nasa pangunguna ngayon ng Pangulong Duterte. Magwi-withdraw si Senador Ronald Bato Dela Rosa sa kaniyang kandidatura, at papalitan siya ni Sara. Samantala, magwi-withdraw din si Senador Bong Go bilang vice presidential candidate, upang palitan ni Senadora Imee.
Sa pananaw ng grupo ni Atty. Melchor Magdamo, hindi na tatanggi pa si Bongbong na palitan ni Sara bilang kandidatong pangulo, dahil matindi ang sinasabing disqualification case laban sa kaniya. Ipinapahayag din nila Atty. Magdamo na bagamat hindi madidiskuwalipika si Bongbong dahil isyu ng “moral turpitude”, hindi naman siya makakawala sa batas na inilabas ng kaniyang sariling ama, si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
May presidential decree ang matandang Marcos na hindi pa nababalewala hanggang sa ngayon, kung saan sinasabi doon na ang sinumang opisyal ng gobyerno na masesentensiyahan na nagkasala sa anumang paglabag sa mga batas ay diskuwalipikado ng tumakbo sa anumang posisyon sa habang buhay.
Mahigpit na pinabulaanan naman ito ng Marcos camp, sa pagsasabing hindi diskuwalipikado si Bongbong dahil hindi siya sakop ng mga batas na sinasabing nagdi-diskuwalipika ng isang nasentensiyahan nagkasala sa paglabag sa mga batas. Isa sa mga argumento ng kampo ni Marcos ay nagsasabing hindi opisyal ng gobyerno si Bongbong noong lumabas ang pasya ng Court of Appeals laban sa kaniya.
-ooo-
MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, https://ift.tt/3jq7483, https://ift.tt/2Vmhld1, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.
The post “Tambalang I-M” ni GMA: Inday Sara for prexy, Manang Imee for veep? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: