Facebook

MAKA-KOMUNISTA KA BA SEN. ANGARA?

Nakakabahala ang ginawang pagtapyas ng ating mga senador sa budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang ginawang pagtapyas ng Senate Committee on Finance na pinamumunuan ni Sen. Juan Edgardo Angara sa NTF-ELCAC’s proposed 2022 funding from PHP28.12 billion to PHP4 billion ay mangangahulugan lamang ng muling pagbuhay sa naghihingalo nang estado ng communist groups dito sa Pilipinas gaya ng CPP-NPA at mga front organizations nito.

Umabot na nga sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga opisyales at miyembro ng mga communist front groups na ito na kinabibilangan ng mga kinilalang congressmen.

Isipin po naman natin na mula sa Php 28.12 billion ay gawing Php 4 billion na lamang ito ng komite ni Angara na para bang nakakaloko.

Kung ating lilimiing mabuti, saan bang mga lugar dito sa bansa ang pinamamahayan ng mga rebeldeng NPA?

Kung di tayo nagkakamali, isa ang lalawigan ng Aurora na pinagmulan nitong si Senator Sonny Angara sa mga tinaguriang NPA infested areas ng bansa kasama na ang Quezon province na unti-unti nang nililinis mula sa mga salot na ito ng lipunan.

Bakit si Quezon Gov. Danilo Suarez ay kaisa ng gobyerno at nakikipagtulungan sa pagbaka at pagwakas nang tuluyan sa mga komunistang CPP-NPA?

We can not say the same dito kay Senator Angara na sa halip na ayudahan ang pamahalaan at ang NTF-ELCAC, ay parang ito pa ang gustong kumitil sa masidhing pagnanais at pursigidong anti-communist efforts ng gobyerno.

Pati bloodline na nagsusustine sa momentum ng laban ng pamahalaan konta sa mga komunista ay gusto pang i-drain o tuyuin ng senador.

May nakapagbulong po sa atin ng ganire hehehe; hangga’t talamak ang presensiya ng mga taong-labas d’yan sa Baler na lalawigan ng mga Angara, hinding-hindi umano matatalo sa pulitika ang mga Angara.

Ibig bang sabihin nito, supporters ng mga Angara ang mga taong-labas na ito na itinuturing terrorist group ng ating pamahalaan?

Nagtatanong lang po ang inyong abang lingkod Mr. Sonny Angara sir.

Nothing personal!

Di ba taga-University of the Philippines (UP) ka sir Sonny?

So, malaki ang posibilidad na puwedeng-puwede kang impluwensiyahan ng mga dating mong professors at mga fraternity brothers na identified sa mga front organizations ng maka-KALIWANG grupo?

Again nagtatanong lang po Mr. Senator sir.

Kasi po Mr. Senator, parang nagtutugma ang hinaing ng mga mamamayan ng Aurora sa pinakahuling ginawa mong aksyon d’yan sa Senado partikular na sa desisyon ng Senate Finance Committee na iyong pinamumunuan bilang Committee Chairman sa pagtapyas na ginawa n’yo sa proposed 2022 budget ng NTF-ELCAC.

Sabi nga po ng mga taga-Aurora, ang kanilang probinsiya na lamang po sa buong Luzon ang napag-iiwanan in terms of progress.

Ang umaasenso lamang po umano ay ang buhay ng pamilya Angara na kontrolado ang mga malalawak na lupain, negosyo at pulitika ng kanilang lugar.

Bakit kanyo?

Walang gagong negosyante o investor ang papasok at mangangalakal sa magulong lugar na may banta ng CPP-NPA.

Obserbahan na lamang po natin, sa Aurora ay turismo at agrikultura ang pangunahing industriya pero kung di ganap na sa pamilya Angara ang mga limitadong business establishments na naririto, sa mga business associates, kamag-anak at mga kaibigan naman ng mga Angara hehehe.

Maging ang transportation sector gaya ng mga buses at iba pang pampublikong masasakyan papasok at palabas ng probinsiya ay pag-aari ng mga Angara at mga business associates nito.

‘Yung mga negosyong hindi konektado o kontrolado ng mga Angara, pinipeste ng mga makakaliwang grupo(NPA) .

Hinihingian ng revolutionary taxes,hina-harass, sinusunog at dinadambong!

Mga dayuhang may-ari ng mga beaches at resorts na sumubok na magnegosyo sa nasabing mala-paraisong lugar ay pawang nagsilayasan na.

Ano sa palagay n’yo bayan ang kadahilanan?

May unholy alliance nga bang umiiral?

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting.

The post MAKA-KOMUNISTA KA BA SEN. ANGARA? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAKA-KOMUNISTA KA BA SEN. ANGARA? MAKA-KOMUNISTA KA BA SEN. ANGARA? Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.