Facebook

Mayor Sara, pagka-bise presidente ang tatakbuhan sa 2022 polls

SA pagka-bise presidente sa May 9, 2022 national elections ang tatakbuhan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Nabatid na ang Certificate of Candidacy (COC) ni Duterte ay inihain ng kanyang mga kinatawan sa punong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) bago mag-alas-2:00 ng hapon nitong Sabado.

Siya ang magiging substitute candidate ng Lakas-CMD, kung saan siya sumapi nitong unang bahagi ng linggong ito, at papalitan niya si Lyle Uy na unang naghain ng kanyang COC sa pagka-bise presidente.

Dahil sa paghahain ng kandidatura ng first daughter, natuldukan na ang mga haka-haka na tatakbo siya sa pagka-pangulo sa darating na halalan.

Nauna rito, naghain ng COC sa pagka-alkalde ng Davao City si Duterte ngunit kamakailan lamang ay winidro niya ito at hinirang ang kapatid na si Vice Mayor Sebastian Duterte upang maging substitute niya.

Nagbitiw rin siya sa kanyang itinayong partido na Hugpong ng Pagbabago kamakailan. (ANDI GARCIA)

The post Mayor Sara, pagka-bise presidente ang tatakbuhan sa 2022 polls appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mayor Sara, pagka-bise presidente ang tatakbuhan sa 2022 polls Mayor Sara, pagka-bise presidente ang tatakbuhan sa 2022 polls Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.