Facebook

Top rankings ng NPA sa Cagayan arestado

NADAKIP ang mataas na lider ng Komiteng Rehiuon Cagayan Valley at mga miyembro ng EXCOM ng New People Army sa serye ng operasyon ng militar at pulisyasa Bulacan at Quezon City, Lunes ng umaga.

Kinilala ang mga nadakip na sina Gil Peralta alyas Elmo, Secretary ng KR-CV at miyembro Central Committee of the Communist Terrorist Group; Irene Agcaoili alyas Ayang, head ng Finance ng KR-CV; Lourdes Bulan alyas Simang, Executive Committee member of KR-CV; Roy Dela Cruz alyas Bonel, Intel Officer; Arcaido Tangonan alyas Mariano G Ramos, ex-squad leader ng Central Front Committee; at Natividad Santos y Manuel.

Ayon kay Major General Laurence E Mina, Commander ng 5th Infantry Division, naaresto si Peralta ng mga operatiba sa San Pedro Bautista St., Brgy. Mariblo, Quezon City sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Arson at Murder mula sa sala ni Judge Conrado T. Tabaco ng Regional Trial Court Branch 09, Aparri, Cagayan.

Samantalang sina Agcaoili, Bulan, Dela Cruz, Tangonan at Santos ay naaresto sa Venezia at Selera Subdivision, Brgy. San Vicente, Santa Maria, Bulacan . Inaresto ang mga ito sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na ipinalabas ni Judge Isaac R De Alban ng RTC Branch 16, Ilagan City, Isabela.

Bilang Secretary ng KR-CV, si Peralta ay responsable sa serye ng mga “terroristic act” kabilang ang mga “extortion activities” ng NPAsa Cagayan Valley Region. Nakuha sa kanya ang M16 rifle, cal. 45 pistol, 3 anti-personnel mines, hand grenade.

Nasamsam naman sa mga miyembro ng EXCOM ang 2 cal. 45 pistols, 2 anti-personnel mines at 2 hand grenades.

Tumakas ang mga ito sa Cagayan Valley dahil sa inilulunsad na operatsyon ng militar at pulisya laban sa mga rebelde sa rehiyon. Nakakulong ang mga ito ngayon sa CIDG sa Camp Crame. (Mark Obleada)

The post Top rankings ng NPA sa Cagayan arestado appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Top rankings ng NPA sa Cagayan arestado Top rankings ng NPA sa Cagayan arestado Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.