Facebook

BAKUNA SEGURIDAD NG SAMBAYANAN — BONG GO

BILANG Chair of the Senate Committee on Health and Demography ay inulit ni Senator Christopher “Bong” Go ang panawagang pagpapabilis sa pagsasagawa ng mga bakunahan kabilang na ang booster shots sa malalayong mga komunidad, upang.makatiyak sa proteksiyon ng nakararaming Pilipino laban sa COVID-19,

Sa kaniyang video message sa isinagawang relief operation nitong May 5 na idinaos sa Tanauan City, Batangas ay hinimok nito ang national government na siguraduhing agad na maihatid sa mga local government units ang mga pambakuna. Ipinanawagan din nito sa mga local leader na paigtingin ang kampanya para makumbinsi ang kanilang mga kalugar sa kahalagahan ng pagpapabakuna.

“Alam ko po na mahirap ang panahon ngayon pero ang bakuna po ang ating tanging susi o solusyon sa ngayon upang makabalik na tayo sa ating normal na pamumuhay,” saad ni Go.

“Tayo po sa gobyerno, siguraduhin natin na hindi po nasasayang ang mga vaccines na ating pinaghirapan kunin. Kaya naman ipadala na ang mga bakuna lalo na sa mga mahihirap na lugar,” giit ni Go.

Hinimok ni Go ang 833 indigents na nagsidalo sa Gymnasium 1, Poblacion 1
na makipagkaisa sa pandemic efforts ng gobyerno at makipagpartisipa ang mga ito sa national inoculation drive.

Ang mga panuntunan sa health protocols ay isinagawa ng mga tauhan ni Go na hinati-hati sa maliliit na grupo ang mga benepisaryo bago namahagi ng mga pagkain at masks. Namigay rin ang mga ito ng bagong pares ng mga sapatos, bisekleta at tablets sa mga piling inidividual.

Namahagi naman ng financial aid sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development.

Si Go na adopted son ng CALABARZON, ay hinimok nito ang mga Batangueñong nangangailangan ng health concerns na magsitungo ang mga ito sa Batangas Medical Center, Batangas City at Batangas Provincial Hospital sa Lemery na kinaroroonan ng Malasakit Centers para umasiste sa kanilang hospital bills.

Abg Malasakit Center ay isang one-stop shop na kinaroroonan DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office, upang tumulong sa mahihirap at indigent patients. Mayroon na ngayong 151 operational centers nationwide na nakatulong na sa mahigit three million Filipinos.

“Batas na po ‘yan, isinulong ko noon, pinirmahan ni Pangulong Duterte, para po ‘yan sa poor and indigent patients. Lapitan n’yo lang po ang Malasakit Center diyan po sa inyong lugar,” pahayag ni Go na siyang pangunahing may-akda at nag-sponsor ng Malasakit Centers Act.

Bilang Vice Chair of the Senate Committee on Finance at masugid na tagapagtaguyod sa kalidad ng pangkalusugan ay sinuportahan ni Go ang rehabilitation ng Dr. Ernesto Malabanan Memorial Hospital at ang construction ng Laurel Memorial District Hospital sa Tanauan City.

Nitong nakaraang April 25, ang koponan ni Go ay tinungo ang bayan ng Nasugbu at Calaca na namigay rin ang mga ito ng ayuda sa 333 struggling residents.

The post BAKUNA SEGURIDAD NG SAMBAYANAN — BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BAKUNA SEGURIDAD NG SAMBAYANAN — BONG GO BAKUNA SEGURIDAD NG SAMBAYANAN — BONG GO Reviewed by misfitgympal on Mayo 11, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.