ISA-ISA nang iprinoklama ang mga nanalong mayor sa 17 siyudad at isang munisipalidad sa National Capital Region (NCR), na karamihan ay mga dati nang mukha sa politika.
Noong Martes ng gabi, May 10, 2022, iprinoklama na si Quezon City incumbent Mayor Joy Belmonte.
Sa Pasig City, si Mayor Vico Sotto panalo via landslide.
Panalo rin sa San Juan City ang incumbent mayor na si Francis Zamora.
Sa Caloocan City panalo ang dating congressman na si Along Malapitan.
Sa Las Piñas naman muling nahalal na mayor si Imelda Aguilar.
Mananatili ring alkalde ng Makati City si incumbent Mayor Abby Binay.
Habang si dating vice mayor na si Jeannie Sandoval ang bagong mayor ng Malabon.
Sa Maynila panalo si Vice Mayor na si Honey Lacuna, siya ang magiging unang babaeng alkalde sa kasaysayan ng Manila.
Panalo rin si re-electionist na si Mayor Marcy Teodoro ng Marikina.
Sa Mandaluyong City panalo bilang Mayor si Benjamin Abalos Sr., una nang naging mayor ang 86-anyos na si Abalos nuong 1989 hanggang 1997.
Panalo naman sa botohan sa pagka-mayor ng Muntinlupa City ang incumbent congressman na si Ruffy Biazon.
Si Cong. Rey Tingco naman ang panalo sa mayoral race sa Navotas.
Kapareho ito sa sitwasyon sa Parañaque City kung saan nangunguna sa mayoral race si Cong. Eric Olivarez.
Sa Pasay City panalo si Mayor Emi Calixto- Rubiano.
Panalo naman si Mayor Ike Ponce ng Pateros, ang kaniyang ikatlong termino.
Naproklama na rin bilang mayor ng Taguig si Lani Cayetano.
Habang si incumbent Congressman Wes Gatchalian ang iprinoklamang Mayor ng Valenzuela.
The post Mga nanalong mayor sa NCR naiproklama na appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: