Facebook

Sanya ala-Maria Clara pa rin ang type na ligawan

Ni ROMMEL GONZALES

BAGAY kay Sanya Lopez ang kanta niyang Hot Maria Clara dahil sa tunay na buhay, masasabing isang hot Maria Clara si Sanya.
Kailan niya nararamdaman na hot siya at kailan niya nararamdaman na Maria Clara siya?
Tumawa muna ang Sparkle actress bago sumagot.
“Yung pagiging hot depende. Pero yung Maria Clara parang lagi na yan, lagi akong nakikitaang Maria Clara lalo na pag… nakikitaan akong Maria Clara kapag, alam nila yan, hindi ako nagbo-boyfriend, ganyan.
“Pero kapag hot ako, depende, depende po sa mga eksena.”
May nanliligaw ba kay Sanya ngayon?
“Hindi ko nga alam kasi kapag nanliligaw sa akin yung isang tao. “Lagi ako yung parang ano nga, ang nasa isip ko, gusto ko talaga yung parang iparamdam sa akin na nanliligaw talaga siya.
“Hindi ako yung parang tipo na, ‘O sige, sa text-text na lang tayo. Ligawan mo ako sa text,’ ganun.
“Pero iyon na yung uso ngayon, I respect that sa ibang mga tao pero yung sa akin po, parang mas gusto ko pa rin yung very Maria Clara na pupunta siya sa bahay, kung maghaharana ka e di go!
“Hindi na uso yung harana pero nakakakilig lang minsan na pupuntahan ka sa bahay and magbibigay ng galang at respeto sa mga magulang mo, ayan sa kapatid mo, sa pamilya mo, iyon po.”
Lately ba ay may pumasyal na sa bahay nila na manliligaw?
“Wala pa hindi pa ako nagpapa-welcome sa bahay ayusin ko muna yung bahay ko, sandali.”
Samantala, ang Hot Maria Clara na under GMA Music ay available sa iTunes, Spotify, at ibang digital streaming apps.
Solo raw na dadalo si Sanya sa GMA Thanksgiving Gala sa July 30, wala siyang ka-date.
“Doon na lang ako maghahanap ng ka-date”, at tumawa si Sanya.
Ang sikat na fashion designer na si Michael Leyva ang lilikha ng gown na isusuot ni Sanya sa gabing iyon.
***
MAY mga bagong ire-release na kanta ang female singer na si Maria Laroco.
“Opo ngayon po I am working with songs po na hopefully we could release po siyempre under my new management Artist Circle [Management Services ni Rams David], hopefully soon po by the end of the year po or before the year ends.”
Looking forward daw si Maria na makapag-mall show at mall tour; kahit kasi muling tumataas ang COVID-19 cases ay maluwag pa rin ang alert levels sa halos lahat ng lugar sa bansa.
“I am super-excited na yung lockdown po has been lifted already so free na po halos lahat ng entertainment industry po, na kahit saan na po kasi puwede na po, e.
“May mga concert na, wala na pong masyadong social distancing, so excited po ako talaga to try again this year po, this time na kung wala na talaga COVID ay makalipad ulit sa ibang bansa para po I dunno, maybe compete or have a tour, maganda din naman po, lalo na sa ibang bansa.”
Ayon pa kay Rams, nakakagulat daw pero mahusay gumawa ng campaign jingle si Maria.
Sa July 30 @ 8 pm ay special guest si Maria sa Rachel Alejandro Live In Concert sa Winford Manila Resort & Casino Ballroom sa Consuelo St. Sta. Cruz, Manila sa likod ng SM San Lazaro.
Bukod kay Maria ay guest din ni Rachel si Lance “The Crooner” Carlos.
Homecoming concert ba ito ni Rachel?
“Actually po yung first po yata nilang concert ito sa Manila, parang ganun po, may tinapos lang po yata siyang mga show po sa US dahil nagtu-tour nga po siya and then this one po, ito po yung concert niya dito sa Philippines.
“Dapat po ay mangyayari ang concert 2020 pa po pero because of the pandemic nakansel po lahat kasi ng mga show.”
Ang Rachel Alejandro: Live In Concert ay sa direksyon ni Vergel Sto. Domingo at produced ng VCSD Productions.
Ang concert ticket prices ay 1,500 (VIP), 1,000 (Gold), at 700 (Silver).
Para sa ticket inquiry at reservation, maaaring tumawag sa 0927-2978027 or 0917-6250328.

The post Sanya ala-Maria Clara pa rin ang type na ligawan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sanya ala-Maria Clara pa rin ang type na ligawan Sanya ala-Maria Clara pa rin ang type na ligawan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 27, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.