Facebook

Angelica kinarir ang pagiging kasambahay; Alden mas naging yummy sa pagpayat

Ni JOVI LLOZA

SA latest vlog ni Angelica Panganiban ay ibinahagi nito kung anu-ano nga ba ang pinaggagawa nilang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay.
Makikita na magkatuwang ang magdyowang Angelica at Gregg Homan sa gawaing bahay.
Naispatan din ang non-showbiz bf ni Angelica habang nagluluto ng kanilang dinner.
Pagmamalaki ni Angelica na siya na lahat sa gawaing bahay.
Mula sa paglinis, pagluluto, paglalaba ay personal na ginagawa ni Angelica.
Never na silang kumuha ng kasambahay at si Angelica na nga ang gumanap sa lahat.
Tsika pa ni Angelica na noong 2019 pa sila walang katulong.
Pagmamalaki pa nga ni Angelica na marami siyang natutunan nung wala na silang housemaid.
Sa pahayag ng aktres ay ito nga raw ang pinakamasayang yugto sa buhay niya, ang magkaroon ng sariling family.
Talaga nga raw inihanda siya ng Panginoon bago pa man siya inilagay sa kanyang sitwasyon ngayon.
***
Alden, mayroon di itinigil at di mapigil sa bisyo
NA-achieve nang bonggang-bongga ni Alden Richards ngayon ang naging bisyo at nakaugalian na nito.
Umamin at di tumigil si Alden kaya naman ngayon ay inaani na niya na mapuna at mapansin.
At kahit sinuman ay di puwedeng di makapansin sa awra ni Alden na tinaguriang Pambansang Bae.
Oppa na oppa naman kasi ang datingan ni Alden as in yummylicious ito ngayon.
Sa pag-amin ni Alden na binago nito ang kanyang diet at lifestyle kaya puro positive vibes ang natatanggap nito.
Sa nakapansin kay Alden bumagay nga raw ang pagpayat nito at fit na fit na ang kanyang pangangatawan.
Sa ilang taon na kanyang ginagawa na pagbabago sa kanyang lifestyle ay nasanay na rin ang mas guwapo at yummy na aktor.
Well, well, well…Yun na!

The post Angelica kinarir ang pagiging kasambahay; Alden mas naging yummy sa pagpayat appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Angelica kinarir ang pagiging kasambahay; Alden mas naging yummy sa pagpayat Angelica kinarir ang pagiging kasambahay; Alden mas naging yummy sa pagpayat Reviewed by misfitgympal on Agosto 01, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.