Facebook

Bong Go: Health safety officer, italaga sa mga iskul

Iminungkahi ni Senate committee on health chair, Senator Christopher “Bong” Go na magtalaga ng mga health safety officer sa mga paaralan sa sisimulang physical classes upang makatulong na mapangalagaan ang kapakanan ng mga mag-aaral, guro, at tauhan ng paaralan at masugpo ang tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa isang ambush interview matapos personal na magbigay ng tulong sa mga naghihirap na residente sa Maasin City, Leyte, sinabi ni Go na bagama’t sang-ayon siya sa pagpapatuloy ng face-to-face classes sa mga piling lugar, dapat unahin ng gobyerno ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral.

“Okay naman siguro. Sang-ayon po ako na bumalik tayo sa face-to-face classes but unahin po natin ang kalusugan at buhay ng ating kabataan,” ayon sa senador.

“Always health and life ang priority natin dahil tumataas na naman ang kaso (ng COVID-19) sa ngayon,” dagdag niya.

Pinalutang ni Go ang ideya na magtalaga ng mga opisyal ng kaligtasan sa kalusugan sa mga paaralan upang suriin ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at mga tauhan ng paaralan.

“Recently, tatlong senador ang nag-positive sa COVID. Patunay na tumataas na naman ang kaso, kaya doble ingat tayo at pag-aralan natin nang mabuti,” idiniin ni Go.

“Dapat mayroon tayong ilagay na… health officer sa eskwelahan… to check na safe ba talaga ang mga bata, safe ang mga teacher, at dapat po magpabakuna ang lahat,” anang senador.

Ang simula ng klase ay nakatakda sa Agosto 22 at tatagal hanggang Hulyo 7, 2023, ayon sa kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon Blg. 034, s. 2022.

Ang mga opsyon na magkaroon ng limang araw na in-person na klase, blended learning modality, o full distance learning ay papayagan lamang hanggang Oktubre 31, 2022.

Simula sa Nobyembre 2, 2022, lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ay inaasahang lilipat sa karaniwang limang araw na mga klase.

Kaugnay ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa gayundin ang iba pang umuusbong na banta sa kalusugan tulad ng monkeypox, sinabi ni Go na magsasagawa ng pampublikong pagdinig ang kanyang komite upang talakayin sa mga kinauukulang awtoridad ang mga update sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya ng COVID-19, kabilang ang mga ulat tungkol sa pag-aaksaya ng bakuna, at iba pang alalahanin sa kalusugan tulad ng mga hakbang na itinakda upang maiwasan ang pagkalat ng monkeypox.

The post Bong Go: Health safety officer, italaga sa mga iskul appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Health safety officer, italaga sa mga iskul Bong Go: Health safety officer, italaga sa mga iskul Reviewed by misfitgympal on Agosto 13, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.