Tututukan umano ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang “safety and security” sa mga terminal ng Ninoy Aquino international Airport (NAIA).
Ayon Kay MIAA General Manager Cesar Chiong, nagrequest na siya sa dalawang area managers ng “briefing for safety and security” dahil ito anya ang pinaka-importante sa lahat para sa nakabinbing US-TSA assessment.
Ayon Kay Chiong, naganap ang inspeksyon base sa kanilang isinagawang briefing sa mga airline concerns, cargo companies, USA-TSA at ilang opisyal mula sa US Embassy at OTS kung saan napag-usapan ang mga schedule at scope ng kanilang ginawang inspection.
Malalaman aniya sa August 19 ang magiging resulta ng kanilang ginagawang assessment sa paliparan.
Samantala, sa isinagawang inspection ni Chiong sa mga terminal ng NAIA a kasama ang ilang opisyal na napuna ang kakulangan ng liwanag sa departure area sa NAIA terminal 2.
Kailangan din umano na mas pagandahin pa ang airconditioning sa iba pang terminal dahil inaasahan na dadami pa ang mga pasahero dahil sa pinagagaan na travel restriction ng mga local government units (LGUs).
Kailangan din na may malakas na wi-fi na maaring ma-access ng mga pasahero, partikular sa mga foreign travelers pagdating nila dito Maynila.
Binanggit din ni Chiong na nais niyang maging transparent ang lahat ng mga transaksyon sa paliparan sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Dagdag pa nito, sa kanyang 33 years experience sa aviation sector ay gagawin niya ang lahat, sa tulong ni DOTr secretary Jaime Bautista na mapanatili ang international standards ng paliparan. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)
The post Safety and security tutukan ng bagong MIAA General Manager appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: