Inanunsyo ng Toll Regulatory Board (TRB), ang grantor ng Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP), kasama ang Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) at ang joint venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA) na bubuksan na ang CAVITEX C5 Link Flyover Extension (Segment 3A2: Merville to E. Rodriguez) sa mga motorista sa ganap na alas-sais ng umaga sa ika-14 ng Agosto.
Ang bagong 1.6-kilometer segment ng CAVITEX C5 Link ay kokonekta sa 2.2-kilometer flyover na mapapabilis sa biyahe ng mga motorista mula Merville, Parañaque patungong C5 Road sa Taguig at vice versa.
Sa kabuuan, ang CAVITEX C5 Link ay may distansyang aabot sa 7.7 kilometro at kokonekta sa CAVITEX R1 Paranaque toll plaza, at layong mapaikli ang oras ng biyahe ng mga motorista mula CAVITEX patungong Makati, Taguig, at Pasay sa loob ng 30 to 45 minuto. Bukod dito, makakatulong din ang nasabing proyekto sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa EDSA, MIA Road, Roxas Boulevard, at iba pang lokal na daan. Inaasahang humigit kumulang 50,000 na motorista ang magbebenepisyo kapag natapos ang nasabing expressway sa taong 2023.
Sa opening ceremony nito na ginanap nitong ika-13 ng Agosto, nagsidalo sina Metro Pacific Investments Corp. Chairman Manny V. Pangilinan, Department of Transportation Sec. Jaime Bautista, MPTC President and CEO Rodrigo E. Franco, at MPT South President and General Manager, Mr. Raul L. Ignacio at Metro Pacific Investments Corporation Head of Government Relations and Public Affairs and Head of MVP Group Media Bureau, Atty. Mike Toledo. Kabilang rin sina Senator Mark Villar, Congressman Edwin Olivarez, Mayor Eric Olivarez ng Lungsod ng Paranaque, Mayor Imelda Calixto-Rubiano ng Pasay City, mga representate ng iba’t ibang government agencies at mga miyembro ng komunidad sa mga nagsipagdalo.
Kasabay ng pagbubukas ng CAVITEX C5 Link, magpapatupad naman ng bagong traffic scheme ang CIC para sa mga motoristang papasok at papalabas ng expressway sa Merville. Ang mga sasakyang manggagaling ng Parañaque papuntang Taguig gamit ang CAVITEX C5 Link Flyover ay kailangan nang pumasok sa bagong Merville Entry na matatagpuan sa harap ng Shell C5 Southlink, Brgy. Moonwalk, Paranaque.
“Inaasahang nasa mahigit 15,000 motorista mula Taguig patungong Parañaque ang magbebenipisyo sa bagong segment ng CAVITEX C5 Link. Hinihikayat namin ang mga motorista na gumamit ng Easytrip RFID sa pagdaan sa nasabing expressway para maiwasan ang mahabang pila sa cash lane at mapaikli ang kanilang oras ng biyahe,” ani CIC President at General Manager, Raul L. Ignacio.
Patuloy din ang paghikayat ng CIC sa mga motorista na samantalahin ang libreng Easytrip RFID installation at check-up sa CAVITEX C5 Link Customer Service Center. Kailangan lamang nila magbayad ng Php 200.00 para sa initial load ng bagong Easytrip account.
Bagamat iginawad na sa CIC ng Toll Regulatory Board (TRB) ang provisional toll fee para sa bago nitong segment (Php 37.00 sa Class 1; Php 74.00 sa Class 2; at Php 112.00 sa Class 3), ito ay ipagpapaliban muna hanggang sa Setyembre upang makatulong sa mga motorista.
“We encourage motorists to use the CAVITEX C5 Link flyover extension while it is free, for them to enjoy the added benefit.” dagdag pa ni Ignacio.
Bukod sa Segment 3A2, ang konstruksyon naman ng Segment 2 ng CAVITEX C5 Link, na kokonekta sa CAVITEX R-1 Expressway sa Parañaque, ay umabot na sa 30% ang completion rate ayon sa latest project update. Oras na matapos ito, matutulungan nito na mapaikli ang travel time ng mga motorista mula Cavite patungong Sucat, at mapaluwag ang daloy ng mga sasakyan sa mga local roads tulad ng Sucat Road at Quirino Avenue.
Bukod sa CAVITEX at CAVITEX C5 Link Expressway, kabilang rin sa domestic portfolio ng MPTC ang mga concessions para sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX), North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.
The post CAVITEX C5 LINK FLYOVER EXTENSION, BUKAS NA SA AUGUST 14! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: