ANG pagsanib-pwersa ng ABS-CBN at TV-5 ang naging sentro ng balita noong nakaraang linggo. Sa loob ng kasalukuyang kasaysayan ng brodkasting, matuturing itong isa ito sa pinakamalaking pagsanib ng mga hari ng brodkasting. Ang ABS-CBN na pinamumunuan ni Mark Lopez at Mediaquest Holdings na kumakatawan sa ABC-5 ni Manny Pangilinan. Dahil sa pagsanib na ito, nakatitiyak ang manonood ng pagtaas ng antas, at ng kalidad ng mga palabas sa telebisyon.
Ngunit sa gitna ng pagbubunyi ng marami, may iilan na naging negatibo ang reaksyon, at isa sa kanila si Rodente Marcoleta. Paalala ko lang sa mga giliw na nagbabasa: Si Marcoleta ang naging “poster boy” ng pagtanggal ng prangkisa ng ABS-CBN. Nanawagan ang kinatawan ng Sagip Party-List sa Philippine Competition Commission (PCC) at National Telecommunications Commission (NTC) para imbestigahan ang News5-ABS merger. Ani Marcoleta:
“Kahit anong sabihin nila, ke-merger yan, ke-partnership, ang pinag-uusapan dito ay kung merong anti-competitive concerns… Considering that these are two big media companies na magsasanib sa anumang kaparaanan, titingnan natin kung yung ganung klaseng arrangement will prevent, restrict, or lessen competition,”.
Paalala ko lang sa partylist congressman na walang makakapagpigil sa dalawa na magsanib pwersa: Ito ay nangyayari sa isang demokratiko at malayang bansa. Tinanggal mo ang prangkisa ng ABS sa paratang na ito ay hindi nagbabayad ng buwis, at nang naglabas ng pruweba ang estasyon binalewala mo ang lahat ng ebidensya na ibinigay ng mga lehitimong ahensya tulad ng BIR, NTC atbp. Samakatuwid ito ay paghihiganti para sa bossing mong si Duterte. Kasapakat kayo ng kasama mo sa kongreso na katulad sipsip atmong utot-surot.
Ang dahilan? Na “hurt ang feelings” ni Duterte na poon ninyo. Importante ang buktot ninyong katwirang ito kaysa sa kapakanan ng milyon-milyong manonood. Alam ko nais mo lang makuha ang prangkisa ng ABS para mapunta ito sa napupusuan mo, at hindi ko na babanggitin ang sektang kinasasaniban mo. Kaya hanggang ngayon para kang dagang-costang naka peluka na nakasampa sa kulungang paikut-ikot. Para sa akin ang talagang nakakatawa ay ang rason na ang pagsanib ng dalawang networks ay magreresulta sa isang monopolya.
Eto ang napulot ko mula sa isang netizen na itago natin sa pangalang Aira Sarmiento: “Sa Pinas parang kasalanan maging magaling! ABS-CBN never monopolizes the competition. The company happens to be way ahead coz of technology and it’s ingenuity. GMA7, PTV, IBC, RPN are still on air. How did a merger with TV5 become a ‘monopoly’? Tumigil ka Rodente Marcoleta!”
Ang pagtanggal ng prangkisa ng ABS-CBN sa botong 70-11 noong 2020, nawalan ng trabaho ang halos 4,000g empleyado, mahigit 900 na contractual workers, at halos 3,000 talent. Eto ang sapantaha ng kaibigan Philip Lustre: “Mahirap rin ang lumalaki ang negosyo. Pag-iinitan ka at sapilitang aagawin ng mga kroni na nakaupong presidente.”
Kahit nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, nagpatuloy ito sa “streamin” ng kanilang mga programa sa social media at blocktimer” sa ibang networks tulad ng Zoe Broadcasting Network and TV5. Kaya ito lang ang masasabi ko kay Mr. Marcoleta: Utang na loob. Huwag mo na bilugin ang ulo ng madla na bistado na ang nasa ilalim ng nanlilimahid mong peluka. Sa ganang akin itong reaksyon ni Mr. Marcoleta ay isang utot. Utot ng surot na nakakapit sa buktot.
Ang style mo kasing bulok ng peluka mo. Dahil sa pagsanib ng dalawang dambuhala ng broadcasting nagbubunyi ng madla.
***
SPEAKING of utot, umaalingasaw ang pangalan ni Lloyd Christopher Lao. Matatandaan lumitaw ang pangalan niya nang sumambulat ang iskandalo na kinasangkutan ng Pharmally kung saan kasapakat siya sa pagbebenta ng mga overpriced facemasks, face shields at PPEs noong siya ay pinuno ng DBM. Si Lloyd Christopher Lao ay kasapakat ng Davao Group at kasama sa mga appointees ng dating pangulo.
Ngayon si Lao ay nasasangkot sa procurement ng overpriced at substandard na laptops para sa mga guro na nagkakahalaga ng P93 milyon. Substandard ito dahil ang programa nito ay luma at ubod ng bagal kumpara sa mga programa ngayon. Kasalukuyang inaagiw sa bodega ng DepEd ang mga naturang overpriced laptops at hindi pa naibigay sa mga gagamit.
Ani Senador Risa Hontiveros na namuno sa imbestigasyon: “So tingin ko, hindi lang nakasentro dito sa overpriced laptops sa ating education system pero iyong nagiging repeat performances ng PS-DBM, lalo na sa ilalim ni dating Usec. Lao sa ganitong mga kwestiyonableng transaksyon, kapag didinigin na ang resolusyon, kailangan naming tawagin muli si dating Usec. Lao.”
Mukhang repeat performance si Mr Lao sa Senate Blue-Ribbon Committee. Sa ganang akin, sa salitang Ingles: “lightning does not strike twice in the same place”.
***
MULING kinatigan ng hudikatura, ngayon ang Office of the Ombudsman, ang nagpasya na walang katuturan ang paratang kay dating senador Leila de Lima. Noong Agosto 9, 2022 naglabas ng pahayag ang Office Of The Ombudsman na magkasalungat ang pahayag ng dalawang natitirang saksi sina Marcelo Adoroco at Kerwin Espinosa.
Hindi nila mapaliwanag kung paano na nabigay ang sinasabi nilang suhol ng P8 milyon gayong wala si de Lima. Isa-isa nang umuurong ang mga saksi. Isa-isang kumakatig sa panig ng katarungan ang mga institusyon ng batas.
Sa huling pagwalang-sala sa kaso ni de Lima, wala nang dahilan upang manatiling nakapiit ang dating senador.Napapatunayan na ang lahat ng paratang sa kanya ay likha ng isang mapag-imbot na administrasyon na hitik sa kasamaan. Magiging marahas ang hatol ng kasaysayan at kung ayaw ng administrasyong BBM na maihambing sa dati, marapat na pakawalan na si de Lima. FREE LEILA NOW!!!
Kasihan nawa kyo ng Poong Kabunian.
***
Mga Harbat Sa Lambat: “So be it if Cardinal Chito Tagle becomes Pope. But the way of the Church is different from how social media, elections, shows, and other secular processes. The Church believes that it is the work of the Holy Spirit. The cardinals will be the Spirit’s representative.” Fr. Nongnong, netizen, pari
“Old age is not an excuse to bend the truth about martial law.” – PNoy
“Any book worth banning is a book worth reading…” – Isaac Asimov
***
mackoyv@gmail.com
The post UTOT NG SUROT appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: