Ang ganda naman ng panawagan ni House Speaker Martin Romualdez mga Ka Usapang HAUZ na tularan ng Sambayang Pilipino ang ginawang kabayanihan ng ating mga Bayani tulad nina Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio na nagbuwis ng kanilang buhay para sa tagumpay ng ating bansa.
Kaya ang mensahe ng house leader bilang paggunita sa Araw ng mga Bayani ay napakaganda, “Before Dr, Jose Rizal, Andres Bonifacio, Gregorio Del Pilar and others became heroes, they were ordinary Filipinos who were deeply move by their love of the motherland. They were bound by a single dream freedom for their country and future for all Filipinos”
Eto pa mga Ka Usapang Hauz ang mga katagang binaggit pa ng butihing House Speaker Cong. Romualdez sa ginawa nitong paggunita sa araw ng mga Bayani, We remember their lives and their sacrifice for the country, but we should not stop with just remembering and honoring their contributions we should also emulate their virtues” diba ang ganda ng mensahe mga Ka Usapang HAUZ,
Hinikayat din nito ang mamamayang Pinoy na isapuso ang pagiging idealismo ng bilang isang Makabayan ng sa gayon ay makatulong sa unti unting pagbangon ng ating bansa dulot ng mapinsalang Covid-19 pandemic.
“The blood of our heroes flows in all of our veins we are all capable of extraordinary courage in rising up to the challenges of these extraordinary times, our heroes set aside their personal benefit for the good of the country”
Kaya panawagan ni House Speaker Romualdez mga Ka Usapang HAUZ sa mga kapwa nito mambabatas na kailangan ng pagkakaisa tulad ng ginawa ng ating mga bayani para sa kapakanan ng ating Inang Bayan ng sa gayon ay tuluyan na tayong makabangon sa sunod sunod na problemang dumating sa ating bansa.
Tutal usapang mga bayani ang ating naging paksa kaya isang House Resolution ang inilabas para bigyang parangal ang ating world’s No.3 Pole Vaulter Ernest John “EJ” Obiena na nagdala ng parangal sa ating bansa Gold Medal lang naman mga Ka Usapang HAUZ ng sumabak ito sa 26th International Stabhochsprung meeting in Jockgrim, Germany nitong Agosto 23,2022
Ups teka nitong Agosto 28,2022 limang araw ang lumipas muling sumabak ang ating maituturing na bayani pole vaulter EJ Obiena sa Awa ng Panginoong Diyos muli Gold Medal na naman sa patimpalak na True Athetes Classic 2022 na ginanap sa Leverkusen Germany.
Dahil sa kabayanihang dala ng ating kababayan EJ Obiena ay isang adopted House Resolution No. 317 na nakasaad dito ang honoring pole vaulter Ernest John EJ Obiena for bringing pride and glory to the Philippines.
Ang nasabing house resolution No.317 na pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez, House Mijority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A Marcos, House Minority Leader Marcelino C. Libanan and Tingog Party List Reps Yedda Marie K. Romuladez and Jude A. Acidre, Commended EJ Obiena worlds No.3 Vaulter for winning the gold medal in the 26th Internationales Stabhochsprung Meeting in Jockgrim and True Athletes classic 2022, “Resolved by the House of Representatives, HR No. 317 was adopted in consolidation with HR nos. 103, 105, 123, 131, 138, 147, 207 and 206, The Lawmakers lauded Obiena, a Filipino Olympian and Men’s Pole Vault record holder for this remarkable contributions in bringing honor to the country, ayan mga Ka Usapang Hauz ang ilan sa nilalaman ng house resolution no.317.
Kaya pala tuwang tuwa ang mga miyembro ng kongreso kay EJ Obiena lalong lalo na ang House Speaker Martin Romualdez dahil bukod sa pagkapanalo nito ng gintong medalya ay na reached nito ang standard para ma-qualify para sa 2023 World Athletics Championships na gaganapin sa Budapest Hungary, si EJ Obiena na rin pala ang no.1 in rangking sa buong Asia sa larangan ng pole vault, pwede ng matawag na Bayani diba mga Ka Usapang HAUZ
***
Para sa inyong Puri at Puna maaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag txt o tumawag sa 0935-2916036
The post House Speaker Romualdez nanawagan gayahin natin ang ating mga bayani at EJ Obiena bayani na rin! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: