Facebook

HILING NA AKSYON NI PCSO GM MEL ROBLES!

TIBA-TIBA ang mga ganid sa salaping Small Town Lottery (STL) operators sa mga lalawigang nasakupan ng CALABARZON, partikular nito sa lalawigan ng Batangas dahil sa itinuturing ng mga mananaya na harapang pandaraya ng nagpapatakbo ng STL lottery draw sa mga nabanggit na lalawigan.

Bukod sa mga charitable activities na ngayon ay masusing tinututukan ni Melquiades “Mel” Robles, ang kauupong General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), dapat din nitong bigyan ng pansin ang ginawang pagpapaliit ng premyo sa mga STL bettors na nananalo sa kumbinasyong pompyang.

Pompyang ang kumbinasyong nanalo kapag magkaparehas ang dalawang magkasunod na numerong lumabas sa tambiolo ng loterya ( yon ay kung talaga ngang binobola nga ito sa pamamagitan ng loterya).

Ang problema sa halip na ang mapanalunan ng mananaya ay katumbas ng halaga ng kanilang taya ay kalahati lamang ang premyong nakukuha ng mga ito simula pa ng halos ay tatlong buwan na ang nakararaan.

Matagal na ring ipinararating ng maraming STL bettors ang kung ituring nila ay harapang panghoholdap sa kanila ng nagpapatakbo ng Batangas Enhanced Technology System Incorporated (BETSI) subalit ngayon nga lang natin ito nabigyan ng puwang sa ating pitak.

Sang-ayon sa mga nakausap nating STL bet cabo at kolektor ay may inilabas na patakaran ang BETSI na nagtatakda ng pinaliit na premyo para sa mga nananalo sa taya sa pompyang na kumbinasyon.

Katulad na lamang ng sumbong sa inyong lingkod ng nagrereklamong si JUAN na isa rin nating masugid na tagasubaybay ay tumama siya ng halagang Php 20 sa kumbinasyong 9-9 noong June 22, 2022 draw.

Ngunit sa halip na makakabig ito ng halagang Fourteen Thousand Pesos (Php 14,000) ay halagang Seven Thousand Pesos (Php 7,000) lamang ang ipinakabig sa kanya ng kubrador na nagpataya sa kanya.

Kaya naman inurirat ni JUAN ang kabo o mayor ng kubrador na tinayaan niya kung bakit kalahati lamang ng kanyang dapat na premyo ang ipinakabig sa kanya at nilinaw naman kay JUAN na STL kabo o mayor na may pinalabas daw na guidelines sa kanila ang BETSI management na ang lahat ng taya sa kumbinasyong pompyang ay kalahati na lamang ang ipinakakabig.

Hindi lamang si JUAN na nakataya ng pompyang na kumbinayon sa Lipa City ang nakaranas ng gayong masaklap na pangyayari.

Marami pang mga JUAN sa ibat-ibang siyudad at mga bayan sa Batangas, Laguna, Cavite, Rizal at Quezon ang nagkaroon ng gayong masaklap na karanasan.

Kaya ang inakala nilang kuwarta na pagkat tumama sila ng regulated na pasugal na STL ay naging bato pa.

Palibhasa ay tahimik ang mga mamananaya, akala marahil ng ilang mga tiwali at ganid na STL operators ay kontento at kampante na ang betting public sa kanilang panlalamang sa mga mananaya.

Isipin na nga lamang pala na kung tataya ang isang bettor ng halagang Two hundred pesos (Php 200) sa kumbinasyong pompyang ay makatatanggap lamang ito ng premyo para sa halagang one hundred pesos.

Ibig sabihin sa halip na ang premyong matatanggap ng mananaya ay halagang one hundred forty thousand pesos ay sa halip ay kakabig lamang ito ng seventy thousand pesos only!

Malinaw nga naman na ito ay isang uri ng harapang panghoholdap GM Robles?

Sakali mang napaka-abala ni GM Robles sa kanyang mga charitable activities, kailangan din naman pag-ukulan nito ng panahon ang mga STL bettors na siyang bumubuhay sa kanyang pinamumunuang ahensyang taga-ilak ng pondo ng pamahalaan.

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.

 

The post HILING NA AKSYON NI PCSO GM MEL ROBLES! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
HILING NA AKSYON NI PCSO GM MEL ROBLES! HILING NA AKSYON NI PCSO GM MEL ROBLES! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 01, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.