Facebook

Negosyante pinatay sa harap ng 2 anak

Pinatay sa harap ng dalawang anak ang 39 anyos na negosyante nang pasukin sa bahay at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. San Agustin, Masbate, noong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Allan Dela Cruz Sanggo, residente ng Sitio Ubo, Brgy. San Agustin, Aroroy, Masbate.

Sa ulat ng Aroroy Police, 12 ng tanghali habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima kasama ang kanyang dalawang anak nang biglang dumating ang isang itim na Bajaj motorcycle lulan ang dalawang hindi nakilalang suspek.

Mabilis na pumasok ng bahay ang dalawang lalaki at sa hindi malamang dahilan walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang pagpatay sa biktima, mabilis na tumakas ang mga sa larin habang narekober ng mga rumespondeng pulis sa lugar ang ilang basyo ng bala ng kalibre 45 na baril.

The post Negosyante pinatay sa harap ng 2 anak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Negosyante pinatay sa harap ng 2 anak Negosyante pinatay sa harap ng 2 anak Reviewed by misfitgympal on Setyembre 01, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.