Facebook

PINATAY NA AMPATUAN POLICE CHIEF, DUMATING NA SA NAIA

Puno ng emosyon mula sa pamilya, mga kaibigan at kasama sa PNP ang naging pagsalubong sa bangkay ni Police Lt. Reynaldo Samson sa sa PAL Cargo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Si Samson ang hepe ng Ampatuan Municipal Police Station na nasawi sa isang ambush sa Maguindanao kelan lamang, kasama si Corporal Salapudin Endad, habang sugatan naman ang ibang mga tauhan nito na sina Master Sgt. Renante Quinilayo, Corporal Rogelio dela Cuesta at Corporal Marc Clint Dayad.

Nabatid na si Samson at mga kasama nito ay lulan ng patrol vehicle patungo sana sa isang lugar sa Barangay Kapinpilan upang magsilbi ng warrant of arrest para arestuhin ang isang wanted sa krimen na si Kamir Kambal, batay sa utos ni Judge Anabelle Piang ng Regional Trial Court Branch 15 sa Maguindanao, nang sila ay tambangan ng mga kakampi ng suspect na armado ng mga assault rifles.

Kilala si Samson ng kanyang mga Mason brothers bilang isang pulis na tapat sa tungkulin, masipag at magalang na tao

Mula sa PAL Cargo ay dinala ang mga labi ni Samson sa Divine Mercy sa Muntinlupa City para sa kanyang burol bago ito ihatid sa kanyang huling hantungan. (Jerry S. Tan)

The post PINATAY NA AMPATUAN POLICE CHIEF, DUMATING NA SA NAIA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PINATAY NA AMPATUAN POLICE CHIEF, DUMATING NA SA NAIA PINATAY NA AMPATUAN POLICE CHIEF, DUMATING NA SA NAIA Reviewed by misfitgympal on Setyembre 01, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.