BALAK ng Department of Education (DepEd) na magdagdag ng 10,000 na mga guro sa susunod na taon.
Sinabi ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, ito ay para matiyak na magkakaroon ng sapat na bilang ng mga guro sa mga paaralan.
Gumagawa na aniya sila ng mga aksyon para mapunan ang pangangailangan ng mga paaralan sa teaching personnel kabilang na rito ang “continuous hiring”.
Ipinaliwanag naman ni Atty. Poa ang pagpapalabas nila ng Memorandum No. 76 tungkol sa pagpupunan sa mga kulang na posisyon ng mga guro.
Ayon kay Atty. Poa, paghahanda o pagtitiyak lamang ito na magkakaroon ng sapat na bilang ng mga guro, pero nilinaw din niya na wala silang partikular na target.
Samantala, kinumpirma ni Atty. Poa na wala pang naitatalang tinamaan ng COVID-19 sa mga estudyante, guro at iba pang academic staff members simula nang mag-umpisa ang face-to-face classes noong Agosto 22.
Pero, sinabi ng tagapagsalita na patuloy ang monitoring sa mga paaralan para sa posibleng COVID-19 transmission.
Dagdag pa ni Atty. Poa na nakikipagtulungan ang DepEd sa Department of Health (DOH) para sa COVID-19 vaccination status ng mga mag-aaral.
Napag-alaman na naglagay ang DOH ng vaccination sites sa ilang pampublikong paaralan upang mapataas ang antas ng pagbabakuna sa mga estudyante sa gitna ng pagbabalik ng in-person classes.
The post DepEd planong magdagdag ng 10K guro sa 2023 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: