Facebook

Bea ayaw makasama sa proyekto ang syotang si Dominic

Ni JOVI LLOZA
NOON pa man ay inihayag na ni Bea Alonzo na ayaw nito na makipag-work sa dyowaers na si Dominic Toque.
Ngayon nga raw na Kapuso na rin ito ay malakas ang bulung bulungan na baka raw may gawing project together ang real life couple.
Mabale naman kaya ang unang sinabi ni Bea na maka-work na niya lahat ng aktor sa Kapuso huwag lang ang bf na aktor.
Isa na ngang certified Kapuso si Dominic kaya di maialis na baka mabigyan ng project ang magdyowa kahit pa ayaw ni Bea noon.
Marami pang puwede mangyari ngayong Kapuso na rin si Dominic.
At wala naman magagawa si Bea if ever subukan or mag-experiment ang kanyang home network to work with bf Dominic.
Wala pa naman kasiguruhan na magkaka-project ang couple ngayong iisa na lang sila ng network.
***
Yasmien naudlot ang pagdating ng second baby
SA isang panayam kay Yasmien Kurdi, inamin nito na sana bago mag 7 years old ang panganay na anak na si Ayesha ay masundan na ito.
Planado na nga ito pero biglang dumating ang pandemic.
Kaya ‘yung plano na magka-second baby na sina Yasmien at Roy ay naudlot dahil sa taas ng surge noon ng pandemic.
Kung natuloy ‘yun at walang pandemic malamang na may kalaro na ang kanilang panganay na si Ayesha.
Dumagsa ang trabaho as in di naman nga raw ubra na mabuntis dahil sa tambak na work.
Ipinaubaya na nga lang nito ang lahat sa Diyos at kung kailan na nga lang daw ipagkaloob sa kanilang mag asawa ang pagkakaroon ng second baby ay paghahandaan nila sa gabay ng nasa Itaas ayon pa sa mahusay na aktres.
Well, well, well… ‘Yun na!

The post Bea ayaw makasama sa proyekto ang syotang si Dominic appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bea ayaw makasama sa proyekto ang syotang si Dominic Bea ayaw makasama sa proyekto ang syotang si Dominic Reviewed by misfitgympal on Setyembre 01, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.