Facebook

KAY SEC BOYING PROTEKTADO ANG MGA BATA

NAGDEKLARA si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ng “all out war” laban sa online exploitation sa mga kabataan ng bansa.

Kasabay ito ng babala ni Philippine Special Envoy to United Nations (UN) Nikki Teodoro na madaling ikalakal o ibenta ang mga kabataan para pagkakitaan dahil sa teknolohiya.

Ayon kasi kay Teodoro, malaki ang naging ambag at bahagi ng lockdown sa child exploitation, dahil walang mapagkakitaan ang marami. At kahit ngayong medyo maluwag na ang pagkilos ng lahat, napakadali pa rin ibenta o ialok ang mga kabataan sa pamamagitan ng teknolohiya.

Tumataas naman talaga ang bilang ng child exploitation dito sa atin dahil sa kawalan ng pagkakakitaan.

Sa record, mula Enero hanggang Hulyo ng taong kasalukuyan, 20 kaso ng online sexual exploitation ng mga kabataan ang naiulat kung saan anim mula sa nasabing bilang ay sumasailalim na sa masusing imbestigasyon.

Para naman kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. mula 2019 nakatanggap sila ng 378 referrals at nakapagsagawa ng 250 police operations kung saan may mga naaresto pa at nakapag-file na sila ng 225 mga kaso sa mga gumawa nito.

Ang krimen kasing ito, ay napakadaling gawin, kahit nga nasa kwarto ka lamang o nasa kama o papag, basta may computer o laptop ka at internet access plus camera ay pwede na. May mga paslit na anak na pwedeng gawing performer ay ayos na ang buto-buto.

Tumaas ang bilang ng mga kaso, lalo na noong panahon ng pandemic at mga lockdowns, at patuloy pa ito. Madali kasi pagkakitaan.

Kaya nagdeklara na ng giyera si Secretary Boying at nangako na lahat ng sangay ng pamahalaan na nasa ilalim ng kanyang pangangasiwa gaya ng BJMP (Bureau of Jail Management and Penology); BuCor (Bureau of Corrections); DICT (Department of Information and Communications Technology); NBI (National Bureau of Investigation),PNP (Philippine National Police) at kanilang mga cybercrime units, ay gamitin niya.

May paglalagyan ang mga magulang, tiyuhin at tita o kahit sino pa na gagawa ng child exploitation, ang babala ni Remulla.

Sabi pa ng kalihim, lahat ng “involved” rekta man o indirect participation, ay isasabit niya. Patunay ito na protektado ang kabataan kay Boying.

The post KAY SEC BOYING PROTEKTADO ANG MGA BATA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KAY SEC BOYING PROTEKTADO ANG MGA BATA KAY SEC BOYING PROTEKTADO ANG MGA BATA Reviewed by misfitgympal on Setyembre 01, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.