Facebook

MOTOR VEHICLES INSPECTION CENTER ANOMALIES PINAIIMBESTIGAHAN!

Hinihirit ngayon sa bagong pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na imbestigahan ang lahat ng transaksiyon sa mga Motor Vehicle Inspection Centers noong administrasyon ni dating DOTr Secretary Art Tugade at Undersecretary Artemio Tuazon.

Kaninang umaga (August 31, 2022) ay nagdaos ng press conference ang grupo ni Jun Evangelista President ng Alagaan Natin Inang Kalikasan (ANI KALIKASAN) na isang Clean Air Advocate, upang maipaabot ang kanilang sintemyento kay newly Transportation Secretary Jaime Bautista hinggil sa ginawa ng dating administrasyon na revocation at cancellation dahil sa mga imaginary requirements na hindi makikita sa DOTC Department Order No. 2012-10.

“We all the members of our PETC Community now look upon the Honorable as our beacon of hope, strength and belief that finally, PETCs would be heard and given a level playing field. Officers and key members will be more than willing, keen and even look forward to a personal audience with the Honorable Secretary Bautista and Land Transportation Chief Assistant Secretary to provide more specifics and enlightenment on the tragic plight of the PETC community for the past (6) years and continued commitment and support for the new Administration,” pahayag ni ANI KALIKASAN President Evangelista.

Inihayag din ni Evangelista na ang tunay na dahilan sa revocation at cancellation ng PETC’s ay ang Department Order 2018-019 and Amended DO 2019-002 na direktang nagparalisa sa 1,300 PETC members sa buong bansa na pinalitan ng tinatayang masusuwerteng 138 PMVICs na namayagpag sa kanikaniyang mga piniling lungsod; kung saan, ang bagong circular ang naging batas na isang PMVIC lamang ang mag-ooperate sa isang major city sa lahat ng rehiyon sa ating bansa.

Ang PMVICs ay kulang umano sa legal basis sa pagkakalikha at implementation lalo na ang inspection fees na P1,500 plus P900 kung hindi pumasa sa testing kumpara sa P300 na singil ng PETCs. Sa naturang fees ay sandamakmak ang naging mga reklamo at nagbawas naman ng halaga ang paniningil na ginawang P600 pero mas mahal pa rin ito ng 50% sa charged ng PETC at humantong sa congressional inquiries ang sobrang paniningil ng PMVICs.

Bunsod nito ay nahahanda umano si Evangelista na sakaling ipupursige ang pag-iimbestiga sa mga anumalya sa nakaraang administrasyon ay maibabahagi nito ang ilang mahahalagang dokumento ng kurapsiyon; subalit, kung pagsapit ng September 15, 2022 na wala umanong pag-usad sa imbestigasyon ay mapipilitan na umanong ibulgar nito sa publiko ang pinanghahawakan niyang mga ebidensiya laban sa mga tiwaling opisyal sa dating administrasyon ng DOTr.

The post MOTOR VEHICLES INSPECTION CENTER ANOMALIES PINAIIMBESTIGAHAN! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MOTOR VEHICLES INSPECTION CENTER ANOMALIES PINAIIMBESTIGAHAN! MOTOR VEHICLES INSPECTION CENTER ANOMALIES PINAIIMBESTIGAHAN! Reviewed by misfitgympal on Agosto 31, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.