Simula pa noong mga unang panahon hanggang sa kasalukuyan ay namamalagi pa rin ang agawan sa mataas na posisyon.., pero ang KAWANING TAPAT ay hindi MAPAPATALSIK sa posisyon tulad sa naging kalbaryo ni ngayo’y QUEZON CITY TREASURER EDGAR VILLANUEVA na kinatigan at inabsuwelto ng SUPREME COURT ang kaniyang naging CRIMINAL CASE.
Ang kasong kinaharap nito ay nag-ugat sa kaniyang naging desisyong isubasta ang 3-ekatryang lupa sa loob ng MANILA SEEDLING BANK FOUNDATION INC sa kahabaan ng QUEZON AVE at EDSA noong taong 2011 na wala umanong sapat na notice of assessment.., kung saan, ang SANDIGANBAYAN ay hinatulan siya ng 6-taon at 10-buwan hanggang 10-taong pagkakabilanggo at habang buhay na hindi na ito maari pang manungkulan sa gobyerno.
Gayunman ang naturang hatol ay ibinasura.ng SUPREME COURT na ipinunto ng 2nd Division ng SC na si VILLANUEVA ay walang kaduda-dudang hindi nagkasala nang ipasubasta nito ang na-foreclosed na MANILA SEEDLING.., ibig sabihin ay naging legal ang pagsusubasta, at ang Manila Seedling ay hindi exempted sa hindi pagbabayad ng real-property tax.
“Nanalo ako sa administrative case na aking inapela sa Court of Appeals na siyang nag-utos na isoli ng Quezon City government ang mahigit P4 million in back wages at two weeks ago, nakatanggap ako ng sulat ng aking acquittal sa kasong kriminal mula sa Supreme Court,” pahayag ni Villanueva.
Ang kinaharap na kontrobersiya at sa naging pagkakapanalo nito sa mahigit na 10-taong pakikipaglaban sa korte ay pagpapatunay na ang KAWANING TAPAT o empleyadong sinsero sa panunungkulan ay HINDI MAPAPATALSIK ninuman sa posisyon.., at si VILLANUEVA ay muling naibalik bilang CITY TREASURER noong 2019 sa termino ni MAYOR JOY BELMONTE!
***
BENNY ANTIPORDA GANAP NANG NIA ADMINISTRATOR!
Ang ARYA ay bumabati kay dating JOURNALIST BENNY ANTIPORDA sa pagiging GANAP na ADMINISTRATOR ng NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION (NIA) matapos siyang ihalal sa ginanap na 984th NIA REGULAR BOARD MEETING nitong August 18, 2022 bilang ika-26th ADMINISTRATOR ng naturang ahensiya.
Bago naitalaga sa GOVERNMENT POSITIONS, si ANTIPORDA ay nagsimula bilang MEDIA (REPORTER/COLUMNIST) at sa DUTERTE ADMINISTRATION ay naging DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES UNDERSECRETARY FOR SOLID WASTE MANAGEMENT AND LOCAL GOVERNMENT UNITS CONCERN.., na siya ang namuno sa pagpapasara ng 335 ILLEGAL DUMPSITES sa bansa bilang pagtugon sa isinasaad ng REPUBLIC ACT 9003 o ang ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT OF 2000; naging NIA SENIOR DEPUTY ADMINISTRATOR at sa termino ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR ay naitalaga siya bilang NIA ACTING ADMINISTRATOR.
SI ANTIPORDA rin ang naging kasangkapan sa pagkakalagda ng PROCLAMATION 1052 bilang pagdedeklara na ang 4th SUNDAY ng NOVEMBER kada-taon ang siyang “NATIONAL BICYCLE DAY”.., kaya naman pinag-aaralan ko na ang magbisekleta para kung mabigyan ako ni ADMINISTRATOR ANTIPORDA ng BICYCLE e kaya ko nang balansehin at mapaandar ang bisekleta hehehe!
Sa pagkakatalaga bilang NIA ADMINISTRATOR ay inihayag nito na pabibilisin ang paggawa ng IRRIGATION PROJECTS na ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng PUBLIC-PRIVATE at PUBLIC-PUBLIC PARTNERSHIPS.., para sa kapakinabangan hindi lamang ng FARMER-BENEFICIARIES kundi para sa kapakanan ng buong sambayanan.
Inilunsad din ni ANTIPORDA ang #NIAparasabayan bilang pag-papaalala sa lahat ng kawani.ng NIA na ipagpatuloy ang kanilang kahusayan para mapagserbisyuhan ang buong.mamamayan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.
The post KAWANING TAPAT DI MAPAPATALSIK! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: