MAHIRAP bigyan ng katarungan ang napakalaking budget ng Office of the Vice President (OVP) sa panukalang pambansang budget para sa 2023. Ayon sa ulat, humihingi ang OVP ng P2.293 bilyon, o tatlong ibayo ng budget na P703 milyon sa 2022. Walang ibinigay na dahilan kung bakit napakalaki ng hinihingi ng budget ng OVP bagaman tinawag itong “good governance budget” na tanging mga taga-OVP ang nakakaunawa.
Sa ilalim ng Saligang Batas, walang malinaw na trabaho ang bise presidente ng bansa kundi magsilbing pamalit sa nakaupong pangulo. Siya ang spare tire kung may mangyari sa pangulo tulad ng kamatayan o pagkakasakit kung saan hindi niya magampanan ang kanyang tungkulin. Mahalaga na may katangian siya tulad ng pangulo upang magampanan niya ang tungkulin ng pangulo sa sandaling siya ang maupo.
Sa makabagong panahon, isinilang ang konsepto ng “working vice president” kung saan abala ang pangalawang pangulo sa maraming gawain. Ganito ang nangyari sa panahon ni Leni Robredo noong siya ang pangalawang pangulo. Maraming ginawa si Leni at batid ng madla siya ang tanging opisyal na pumalaot sa mga sakuna at kalamidad. Hindi si Rodrigo Duterte na mas kilala sa katamaran.
Bagaman naging abala si Leni sa maraming gawain, hindi kalakihan ang budget ng OVP. Hindi umabot sa isang bilyon piso ang budget ng OVP sa buong panahon ng kanyang panunungkulan. May budget ang OVP ng P428.6 milyon noong 2017; P543.9 milyon sa 2018; P663.4 milyon sa 2019. Bahagyang tumaas ang budget ng OVP sa P669.9 milyon noong 2020 P900 milyon sa 2021; at bumaba sa P703 milyon noong 2022.
Hindi maaaring ihambing si Leni Robredo kay Sara Duterte. Hindi pinaghahambing ang langka sa santol. Bukod diyan, hindi kilala si Sara bilang isang masipag at abalang opisyal na may malinaw na hangarin sa kabutihan ng bayan. Hindi namin nakikita na abalang pangalawang pangulo si Sara dahil siya rin ang kalihim ng Department of Education (Deped). Sa Deped pa lang, magiging abala na siya. Kaya paano gugulin ang inilaang budget para sa OVP?
***
TAMA si Boying Remulla, kalihim ng DoJ, na kailangang paluwagin ang mga bilibid ng bansa. Tumpak na pakawalan ang mga bilanggo kung nakulong sila na lampas na sa takdang panahon ng parusa sa mga krimen na kanilang hinaharap. Ngunit hindi si Boying Remulla ang unang nagsabi nito. Si Punong Mahistrado Ma. Lourdes Sereno ng Korte Suprema ang unang nagsabi nito sampung taon na ang nakakalipas.
Hindi nalilimutan ang panukala ni Sereno sa isang pagtitipon ng mga kasaping manananggol ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) noong 2013. Sinabi ni Sereno na malaking bilang ng mga akusado ang nanatili sa kulungan dahil sa kawalan ng kakayahan na umikot ang gulong ng katarungan. Malaking bilang ng mga bilanggo, aniya, ang nanatiling nakakulong dahil hindi maipagtanggol ang sarili dahil sa kahirapan. Marami ang walang abogado na kumakatawan sa kanila upang humarap sa mga asunto sa iba’t ibang hukuman.
Dahil hindi matapos-tapos ang paglilitis ng mga asunto, nanatili sila sa piitan kahit lumampas na sila sa takdang panahon ng parusa. Hindi ito makatarungan, ayon kay Sereno. Ito ang malaking dahilan sa pagsisikip ng mga bilibid, aniya. Hindi una si Boying sa panukala.
***
MAYROON akong post tungkol sa political journalism, o pamamahayag sa larangan ng pulitika: “Whenever students or complete strangers ask me questions about political journalism, I have a single standard answer: Political writing is no different from entertainment writing, or show business, to be specific. A political writer should know how to handle intrigues just like any showbiz writer and make them interesting for the consuming public. He should not hesitate to report political troubles and use colorful language in his reportage. The late Washington Post columnist and journalism pundit David Broder said: ‘A political writer is essentially a fight promoter.’”
***
MAHIRAP ang sitwasyon ng Vic Rodriguez. Inamin niya sa isang pagdinig na Senado na siya ang nagpanukala na gumawa ng draft order ang Sugar Regulatory Administration (SRA) para pag-angkat ng asukal. Mas lalong lumala ng sabihin ni Migs Zubiri na “inosente” si Rodriguez. Mukhang hindi alam ni Zubiri na mas lubog si Rodriguez sa kanyang tinuran. Kasi sino ang maniniwala na inosente si Vic.
Mas maganda na aminin na lang nila ang totoo. Hindi naniniwala ang madla sa mga ganitong pahayag. Alam ng bansa na talamak sa korapsyon sa gobyerno. Ito ang paraan na alam kung paano magkamal ng limpak-limpak na kayamanan.
***
MGA PILING SALITA: “”Decriminalize libel. Criminalize historical distortion. How about that?” – Mother Mo, netizen
“Former Malaysian PM sent to jail for corruption… Di sya proactive, papatay patay. He should have escaped to PH fast. Sinasamba dito ang mga magnanakaw, may chance pati siya to get elected as president” – Mac Zamora, netizen, social critic
“Paano naging opposition leader si Alan Peter Cayetano? Ang alam ko pumoposisyon at hindi oposisyon.” – PL, netizen
“Bongbong Marcos has no incentive to solve the educational crisis because his support thrives on miseducation.” – Lakan, netizen
“No troll-manufactured hashtag trend can erase Ninoy Aquino’s heroism and deodorize the name of Ferdinand Marcos, Sr., who was a thief, a human rights violator, and an election cheat. ” – JR Santiago, netizen, social critic
“Ninoy knew that if he went home, he’d be assasinated. He could’ve stayed in Boston. He didn’t. To chose to come back, even if it meant certain death. Selflessness, not just bravery or brilliance, defines who the Real Heroes are.” – John Molo, netizen, law teacher
“He came home to meet the dying Marcos and try to convince him to return to democracy for a peaceful succession. You had the communists gaining strength, a brewing schism in the AFP and Game Of Thrones maneuvering in Malacanang.” – Luis Pawid, netizen
The post MALAKING BUDGET NG OVP appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: