Ni NONIE V. NICASIO
AMINADO ang guwapitong singer na si Nic Galano na may halong excitement at kaba siyang nararamdaman sa kanyang show sa Music Box titled In the Nic of Time. Ito ay mula sa pamamahala ni katotong Direk Obette Serrano at mapapanood this Thursday, Aug. 11.
Pahayag ni Nic, “Nauuna po kasi yung excitement ko kaysa sa kaba po, hahaha! Masaya po ako na makapag- perform kasi ito po yung pangarap ko. Kinakabahan po ako sa outcome ng show, like ano po yung masasabi sa akin ng mga manonood after the show, safisfied ba sila? Di ba sila lugi sa ibinayad nila? Gusto pa rin ba nila akong mapanood ‘pag nagkaroon uli ako ng concert? Matutuwa ba sa akin yung producer/manager ko?
“Feeling ko po magdedepende rito sa concert ko yung magiging kapalaran ko sa entertainment industry and sana po ‘di ko sila ma-disappoint,” wika ni Nic.
Aniya pa, “Expect po nila rito na mahahawahan ko sila ng energy ko dahil mapapaindak sila sa sing and dance numbers at mapapa-oooh lala sa mga birit lines, hahaha! At mai-inspire sa kuwento ng buhay ko, sa place kung saan ako nagmula. Magagaling po mga guest ko, I’m sure matutuwa at mae-entertain ang audience sa mga mapapanood nila.”
Si Nic ay endorser din ng Queen Eva’s Salon na patuloy na dumarami ang branches.
Special guests sa In the Nic of Time sina Ate Gay, Hagibis 4th Generation, Regina Otic, Erika Mae Salas, Dax Martin, at ang 3nity Band. Kaya hindi lang matinding kantahan ang aabangan dito, kundi pati matinding tawanan!
Ano ang message niya sa lahat ng sumusuporta sa kanya, pati na sa sa kanyang mom at sa manager niyang si Doc Art Cruzada?
“Kay Doc Art po, nagpapasalamat ako sa Panginoon at nagkakilala po tayo at ipinagpatuloy mo ang aking pangarap. Salamat po sa tiwala at asahan mo po na patuloy akong magsusumikap na mag-improve sa aking talent upang tayo po ay makilala sa larangan ng musika at sabay na maabot ang ating pangarap. Salamat sa pagmamahal at pagturing sa akin na bunsong anak mo po.
“Sa mom ko po, Mommy, napakasuwerte ko at ikaw ang nagsilang sa akin. Hindi mo iginiit yung gusto mong career para sa akin bagkus ay sinuportahan mo ako kung ano ang gusto kong tahakin at kung saan ako masaya. Pagsusumikapan ko po na makilala sa career na ito upang ako naman ang makapagbigay sa iyo ng mga hihilingin mo sa akin. Ililibre ko po kayo sa pangarap nyong makapag-tour sa iba’t ibang bansa na di mo nagagawa dahil sa sobrang pagsusumikap mo para sa ikabubuhay natin. I love you so much mommy. I love you po doc Art.”
Dagdag pa ni Nic, “Sa mga sumusuporta sa akin, salamat po sa pagpapakita ng pagmamahal. Kahit po hindi ako sikat na singer ay bumili po kayo ng tiket at mag-e-effort na mag-travel kung saan ang concert. Makakaasa po kayo na di ko malilimutan ang mga suporta nyo at hiling ko sa Panginoon na magtagumpay ako sa entertainment industry upang sa future ay maanyayahan ko kayo sa mga bonggang get together natin at maibalik ko naman sa inyo ang malaking tulong nyo sa akin.”
The post Nic Galano excited na sa show sa Music Box sa Aug. 11 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: