Facebook

PCUP TULOY.ANG SERBISYO SA MGA MARALITA!

Ang bagong naipuwestong tagapangasiwa ng PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) ay naghayag na magpapatuloy ang pagseserbisyo ng ahensiya para sa pangangailangan ng mga MARALITANG TAGA-LUNGSOD hindi lamang sa aspetong asisteng-kabuhayan kundi ang mapagkalooban ng progresibonpg proteksiyon sng mga ito laban sa mga walang habas na demolisyon ng mga ari-arian.

Ayon sa bagong talagang CHAIRPERSON ng PCUP na si ELPIDIO JORDAN JR., ang CARAVAN ay kaakibat ng adhikain ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. para sa pantay na pamamahala tungo sa basic services mula sa pambansang pamahalaan.., upang maramdaman ng mga MARALITANG MAMAMAYAN ang presensya ng GOVERNMENT na handang tumulong at umayuda.

“We want the people to feel that their government is there, ready and able to provide for them the services that they need,” pagpapahayag ni JORDAN.

Sa nakalipas na pangangasiwa ni PCUP CHAIRPERSON UNDERSECRETARY ALVIN FELICIANO ay matagumpay na nakapagbigay ang caravan ng mga serbisyo nito sa mga residente sa mga napiling lungsod at munisipalidad hanggang sa barangay level na kung saan ang mga mahihirap ay nabigyan ng mas madali at mabilis na access sa mahahalagang serbisyo at transaksyon mula sa kaukulang mga ahensya ng gobyerno.., tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health (DOH), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Land Transportation Office (LTO), Philippine Statistics Authority (PSA), National Bureau of Investigation (NBI), Social Security System (SSS), at iba pa.

Nagawa rin ng PCUP na mamagitan sa mga demolisyon at ebiksyon sa bansa, partikular na sa mga HIGHLY URBANIZED CITIES na kinabibilangan na lamang ng METRO MANILA.., naisulong ang pagsasagawa ng PRE-DEMOLITION CONFERENCES (PDC) at mga SOCIAL PREPARATION ACTIVITIES upang masiguro ang makatao at maayos na kalagayan ang mga biktima ng demolisyon.

Kaya naman, mga ka-ARYA.., lalo na yaong mga nasa kategoryang INFORMAL SETTLER na dumadanas o dadanas na mademolish ang kanilang mga kinalulugaran at hindi umaasiste ang inyong LOCAL GOVERNMENT ay dumulog po kayo sa PCUP…, dahil may mandato ang naturang ahensiya na mamagitan at maasistihan ang mga MARALITANG MAMAMAYAN para mabigyan ng makataong pagtrato tulad sa magiging resettlement area.

Sa pangangasiwa ngayon ni PCUP CHAIRPERSON JORDAN, ang kanilang ahensiya ay nakatakdang magsagawa ng regular nilang CARAVAN sa BAGO CITY, NEGROS OCCIDENTAL, KALAMANSIG sa SULTAN KUDARAT, at LA TRINIDAD sa BENGUET bilang mga target areas alinsunod sa pangako ng ahensya na tulungan ang mahihirap na komunidad sa iba’t ibang panig ng ating bansa.

Ang CARAVAN na tinaguriang ‘PINAGSAMA-SAMANG SERBISYO PARA SA TAO’, ay isang buwanang inisyatibo ng ahensya na ang layunin ay mapalawig at mapalakas ang kamalayan ng mga urban poor community ukol sa mga programa at serbisyong pinagkakaloob ng PCUP at ng buong pamahalaan para maihatid din ang mga ito ng direkta sa mga maralita nating kababayan sa pamamamagitan ng mas malawak na pamamaraan ng partisipasyon!

***

BAGONG EPD DIRECTOR SI COL. ASUETA!

Ang ARYA na kabilang sa mga bumubuo ng PAMAMARISAN-RIZAL PRESS CORPS ay bumabati sa bagong naitalaga bilang EASTERN POLICE DISTRICT (EPD) DIRECTOR na si COLONEL WILSON ASUETA na isa ring LAWYER.., na ang pinalitan nito ay si BRIG. GENERAL JERRY BEARIS.

Siyempre pa.., SI COL. ASUETA ay awtomatikong magiging ONE STAR GENERAL sa kaniyang bagong position na itinalaga mismo ni NEWLY PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) CHIEF GENERAL RODOLFO AZURIN JR.

Naitalaga naman si BRIG. GEN. JONNEL ESTOMO na ACTING REGIONAL DIRECTOR ng NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE (NCRPO).., na ang pinalitan nito na si MAJOR GEN. FELIPE NATIVIDAD ay inilipat bilang ACTING COMMANDER ng NORTHERN LUZON AREA POLICE COMMAND.

Nilinaw ni PNP PUBLIC INFORMATION OFFICE CHIEF BRIG. GEN. RODERICK ALBA, na layunin ng balasahan ang magbigay ng oportunidad at career growth sa mga POLICE OFFICIAL.

Sa pamamagitan aniya ng pagpapalitan ng puwesto, mailalagay ang mga tamang opisyal na mas may kakayahan base sa kanilang karanasan na pamunuan ang isang yunit.

Naihayag pa ni ALBA na mas mahahasa rin nito ang operational at administrative functions ng PNP sa kampanya laban sa kriminalidad, pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.

The post PCUP TULOY.ANG SERBISYO SA MGA MARALITA! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PCUP TULOY.ANG SERBISYO SA MGA MARALITA! PCUP TULOY.ANG SERBISYO SA MGA MARALITA! Reviewed by misfitgympal on Agosto 09, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.