SA sirkulo ng mga iligalista sa Region 4A, sunog na sunog ang pangalan ni Department of Interior and Local Government, Secretary Benhur Abalos dahil sa paglutang din ng kanyang pangalan sa usaping vice “tongpats”.
Isang nagngangalang OCAMPO na kilalang gambling at drug lord na ang sentro ng operasyon ng STL con-jueteng at drug business ay sa Tanauan City, Batangas ang humihingi ng “lagay” sa mga iligalista para kay Sec. Abalos. Hindi na “malipad ng uwak” sa lawak ang mga nabiling lupain ni alias OCAMPO sa Tanauan City mula sa salaping naharbat nito sa iligal na sugal, bentahan ng droga at protection raket.
Kasama ni OCAMPO sa pag-orbit di lamang sa lalawigan ng Batangas, kundi sa lahat na lalawigan ng CALABARZON area, ay isang alias Kon. Burgos na operator ng STL- con jueteng at STL-con droga sa Brgy. Pantay na Matanda at Brgy. Ambulong Tanauan City at isang alias Miguel na nagpapakilalang bagman naman ni PNP Region 4A PNP Director, PBG Jose Melencio Nartatez Jr.
Ibig sabihin nyan, hindi nawawala o nabawasan man lang ang operasyon ng bawal na sugal at droga sa Tanauan City pagkaluklok ng bagong Tanauan City Police Chief LtCol. Karlos Lanuza kundi lalo pang dumami.
Pati ang mga nagpapakilalang protection racket collector ay lalong nagsulputan at mananatili ito hangga’t di naaksyunan ni PNP Director Gen. Rodolfo Azurin Jr.at ng mga opisyales nito ang mga kailigalan sa R4A.
At sa malas ay nadagdag pa nga ang pangalan ni DILG Sec. Abalos sa mga pangalan ng mga police at government official na ipinangongolekta ng tongpats sa mga ilegalista sa Tanauan City at sa ibat-ibang panig ng R4A.
Hindi agad natin “kinakagat” ang ipinagyayabang nitong sina OCAMPO, alias Kon Burgos at alias Miguel. Duda ng inyong lingkod, isang beteranong intelhencia kolektor ang hinayupak na si alias Miguel at gumagamit lamang ito ng pekeng pangalan sa pangingikil ng protection money gamit ang imahe ni Sec. Abalos at maging ang mga opisina ni PDG Azurin Jr. at RD4A PBG Nartatez Jr.
Weekly na iniikot nina OCAMPO, alias Kon Burgos at alias Miguel ang mahigit sa 30 mga gambling/drug operator sa Tanauan City, kabilang na ang mga nagsulputang dati na rin palang notoryus na gambling at illegal drug trader sa Tanauan City na sina alias Cristy, miyembro din ng kinatatakutang Fajardo Crime Group ng Brgy. Suplang at alias G. Ramirez ng Brgy. Balele ng nasabi ring siyudad.
Bukod sa sugal, tinarahan din nina OCAMPO ang mga operator ng nagkalat na paihi o petroleum pilferage sa CALABARZON, dalawa sa mga ito ay sina Glen na may paihi sa bayan ng Lemery at Kap Dan na operator ng patulo (tawag din sa paihi) sa Lipa City, Batangas.
May limang paihian din sa probinsya ng Quezon. Ang mga ito ay nasa bayan ng Candelaria na inooperate ni Lito, Brgy. Lalig sa bayan ng Tiaong na pinatatakbo ni Lani, sa Brgy. Loob, San Antonio na inooperate ni Hiwatig S., Toper sa By-Pass Road, Brgy. Gisgis, sa bayan ng Sariaya at sa Brgy. Talim, Eco Road, Lucena City na minamantine ni Bobby.
Tumataginting na Php 5 million weekly na suhol mula sa STL- con jueteng operation ang dinadala sa mataas na opisyal ng lungsod (Tanauan) nina OCAMPO, alias Kon Burgos at alias Miguel at Php 5 milyon din kada buwan sa pangalan nina Gen Azurin Jr.
Dapat ay kumilos si Sec. Abalos, ipaaresto ang mga umiikot na vice tongpats kolektor na ito mula sa rehiyon sa mga grupo ng iligalista, pagkat ang dating malinis na pagkatao ng DILG Secretary ay biglang naging mabantot na dahil nga kina OCAMPO.
Ang ulat na panghihingi ng vice tongpats gamit ang pangalan ng DILG secretary ay hindi lamang kay Abalos nangyari, kundi maging kay dating kalihim Ed Año, pero ang sunog ay kaagad naapula nang ipag-utos noon ang re-shuffle ng PNP R4A official, sabay ang direktibang ihinto ang operasyon ng lahat na illegal vices sa nasabing rehiyon.
Noong panahon ni Sec. Año, ang iligal sa CALABARZON ay kontrolado, di tulad ngayon na parang kabute ang biglang pagdami ng lahat na uri ng illegal gambling, gayon din ang muling pagsipa ng operasyon ng paihi o patulo operation.
Noong si Sec. Año ang Interior boss, ang bawat sumbong o reklamo ng mamamayan ay kaagad ipinag-uutos sa kapulisan na solusyunan kaya nga si Sec. Año kung tawagin noon ay ‘Mr Action Man’.
Bilang public servant, ang mga ina-appoint na interior head gaya ngayon ni Sec. Abalos ay dapat maging ‘Action Man’ din tulad ni Sec. Año.
Kaya di dapat magpatumpik-tumpik pa si Sec. Abalos, ipahuli niya agad sina OCAMPO, alias Kon. Burgos at alias Miguel at ipalansag ang gambling operation sa Tanauan City, pati na ang paihian nina Glen sa bayan ng Lemery at Kap Dan sa Lipa City, pawang sa Probinsya ng Batangas Lito, Lani, Hiwatig S., Toper at Bobby ng Quezon Province na siyang ugat ng kalakalan ng droga.
Sa patuloy na kawalang aksyon at pananahimik nina PDG Azurin Jr. RD 4A Nartatez Jr., ay manganganak ang pagdududa na baka nga may katotohanan ang isyung vice tongpats na kinokolekta nina OCAMPO?
Liban kina OCAMPO at alias Kon. Burgos, ang mga operator ng STL-con jueteng sa Tanauan City na sangkot din sa kalakalan ng droga ay sina Melchor Taba, Ablao, alias Mayor Benir at Kon Angel, Lito at Kon. Perez, ng Brgy Darasa at Brgy. 7, Poblacion Proper, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Emil, Ramil, Aldrin,Terio, Angke at Lawin ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Gerry, R. ng Brgy. Balele, Rowel, Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango, Tano ng Brgy. Trapiche at Rodel ng Brgy. Sambat, at mga babaing notoryus na drug pusher at STL-con jueteng maintainer na sina alias Cristy sa Brgy. Suplang,alias Ms. Donna, Ms Anabel at Ms Lilian na may rebisahan ng taya ng jueteng at bentahan ng shabu sa Brgy. Pantay na Matanda at Brgy. Trapiche. Si Ms. Donna ay may lungga din sa Brgy. Sambat.
Ang iba pang untouchable na drug pusher con-STL jueteng operator sa lalawigan ng Batangas ay sina alias Willy Bokbok sa bayan ng Nasugbu at alias Timmy na nag-ooperate naman sa mga munisipalidad ng San Pascual at Mabini.
***
Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.
The post ABALOS, IPINANGINGIKIL NG ‘TONGPATS’ SA R4A! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: