Facebook

PDLs sa QC Jail, nabigyan ng pag-asang makapagtapos sa K12

Anak mo ba’y nakakulong ngayon sa Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD)? At bilang isang magulang ay nag-aalala sa kung paano na ang kinabukasan ng bata lalo na’t hindi pa siya nakatatapos ng pag-aaral – high school man o kolehiyo?

Inaalala mo din bilang magulang kung paano siya makatapos sa pag-aaral kahit sa high school man lang o senior high.

Well, huwag pong mag-alala dahil may good news si QCJMD warden, JSupt. Michelle Bonto sa inyo. Magandang balita na magbibigay pag-asa sa inyonhg Anak pagkalabas niya sa piitan.

Dahil nga sa ang piitan ay isang rehabilitation place at hindi impiyerno, patuloy na ginagampanan ni Bonto ang kanyang responsibilidad para bigyan pag-asa ang mga PDLs na ipinakatiwala sa kanya bilang warden.

Marami ng programa si Bonto para sa QCJMD na malaki ang naitulong sa inmates. Nandyan ang para sa kalusugan – bakuna laban sa COVID 19. Iyan ay sa tulong ng QC government na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte, giyera laban sa droga para hindi malulon sa bisyo ang mga inmate, nandyan ang ibat ibang klase ng paligsahan – tulad ng palakasan, dula-dulaan, paligsahan sa pagguhit at iba pa. Higit din sa lahat ay religious activities.

Iyan lang ang ilan sa mga nauna at patuloy na program ni Bonto sa QCJMD…at ngayon, sa patuloy na pagsuporta ni Mayor Joy sa QCJMD na nasa ilalim ng Bureau of jail Management and Penology (BJMP) na pinamumunuan ni Director Allan Iral, karagdagang programang pang-edukasyon na makatutulong sa inmates ang rergalo sa kanila ni Mayor Joy.

Bagamat mayroon ng alternative schooling sa loob, ngayon ay maipagpatuloy na ng mga PDLs ang kanilang basic education sa pamamagitan ng kauna-unahang seniotr high school program sa piitan sa tulong ng Schools Division Office (SDO).

Kamakailan, nagkaroon ng pirmahan ng pagkakasunduan ang QC LGU, QCJMD, SDO at ang Fernando C. Amorsolo Senior High School para sa programang edukasyon para sa inmates.

Ang pagkakasundo ay dinaluhan nina QC Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon, QCJMD Warden JSupt Michelle Ng Bonto, Asst. Schools Division Superintendent Dr. Brian Ilan, at Fernando C Amorsolo Senior High School Principal Mr. Larry M. Castro.

“Karapatan ng bawat mamamayan ang magkaroon ng maayos na edukasyon. Dito sa lungsod, hindi tayo papayag na maging hadlang ang katayuan o sitwasyon sa buhay para hindi makapag-aral. Sa QC, ang edukasyon ay pantay, inklusibo, at bukas para sa lahat,” pahayag ni Mayor Joy..

Nakasaad sa pinagkasunduan na ang ang eskuwelahan sa tulong ng QC Government ay magkakaroon ng karagdagang kaalaman ang mga inmates patungkol sa technology, Vocational and Livelihood (TVL) Strand specializing in Home Economics (HE) – Bread and Pastry Production, Cookery and Commercial Cooking; Information and Communications Technology (ICT) – Animation and Computer Programming and Shielded Metal Arc Welding (SMAW).

Sa pagtatapops, mabibigyan ang mga PDLs ng National Certificate Level II (NC II) kapag maipasa nila ang competency-based assessment ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

“Ang ating mga institusyon tulad ng QC Jail ay nagsisilbing pangalawang tahanan ng ating mga mamamayan na nagbabagong-buhay. Habang narito sila, tinutulungan natin sila ng iba-ibang kakayahan o skills na magagamit nila sa kanilang reintegration sa komunidad,” pahayag pa ng Alkalde.

Sa patuloy na pagsuporta ng city government sa QCJMD, lubos naman na nagpapasalamat si Bonto. Aniya’y ang tulong ay nakapagbibigay buhay, morale at pag-asa sa PDLs maging sa personnel na QCJMD.

“The K to 12 program is a new program over and above the Alternative Learning System (ALS) program for Elementary and Junior High School competencies. The city government is also prioritizing the inclusion of technical, vocational and livelihood training and other aftercare initiatives that aim to positively transform the lives of PDLs to become productive QCitizens upon their release”, pahayag naman ni Bonto.

Ngayon, sa mga magulang na nag-aalala sa kanilang anak na nakakulong sa QCJMD, huwag nang mangamba dahil sa inyong anak na nasa mabuting pangangalaga ni Bonto sampu ng kanyang mga opisyal at tauhan. Ang anak niyong hindi pa nakapagtapos, hayun pagkalabas niya sa piitan ay graduate na siya ng senior high. Hindi lang ito kung hindi kompletong pagbabago na siya dahil tanging gustong mangyari ni Bonto sa kanyang mga “anak”. Aniya’y nasa loob man ang PDLs ay magkakaroon pa rin sila ng pag-asa.

The post PDLs sa QC Jail, nabigyan ng pag-asang makapagtapos sa K12 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PDLs sa QC Jail, nabigyan ng pag-asang makapagtapos sa K12 PDLs sa QC Jail, nabigyan ng pag-asang makapagtapos sa K12 Reviewed by misfitgympal on Setyembre 24, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.