Facebook

PROGRAMANG ‘SAFE NCRPO’ TINOTODO NA NI RD ESTOMO

Dahil sa pagluluwag ng COVID-19 restrictions at pagbubukas ng face-to-face classes, dagsa na ang mga tao sa mga pampublikong lugar.

Kahit saang mall ka pumunta, ubod ng dami ang mga tao.

Puno ang mga parke, beaches at iba pang mga pasyalan.

Tila balik na rin normal ang operasyon sa Divisoria, Baclaran at Quiapo.

Maging sa mga restoran ay nagbabalikan na rin ang mga kustomer.

Gayunman, sa pagdagsa ng mga kababayan natin sa mga pasyalan, malls, at pamilihan, dagsa na rin ang mga kawatan.

Aba’y higit dalawang taon din kasing natigil sa kanilang modus ang mga masasamang-loob.

Atat na atat na silang makapambiktima ngayon.

Kahit nga sa mga sikat na establisimento ay bumabanat ang mga ito.

Sinasabing balik-operasyon na rin ang mga salisi gang, durugista, holdaper, snatchers, karnaper at mandurukot.

Kaya ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director BGEN. JONNEL ESTOMO ang pagpapaigting ng police visibility sa Metro Manila.

Sa panayam ng programang BRGY.882 ng inyong lingkod sa DWIZ 882, sinabi ni NCRPO Spokesperson PLTCOL. DEXTER VERSOLA na kamakailan ay inilunsad ng liderato ni RD Estomo ang ‘SAFE NCRPO’ program o ang “SEEN, APPRECIATED, and FELT thru EXTRAORDINARY deeds”.

Daan-daang pulis na ang naka-deploy sa iba’t ibang lugar, katuwang ang mga force multipliers gaya ng mga barangay personnel, security guards, at civic volunteer organizations.

Bukod dito, mas pinalakas din ang deployment foot patrols at motorcycle units bilang mobile patrol.

Ayon kay Versola, nakalatag naman ang mga police assistance desks malapit sa mga paaralan, simbahan, malls at iba pang mga pampublikong lugar.

Magandang balita rin ang planong paggamit ng NCRPO ng PNP helicopters bilang sky patrol, maliban sa sea patrol, sa Kalakhang Maynila.

Siyempre, ito’y bilang pagtalima sa naging direktiba ni PNP Chief Police GEN. RODOLFO AZURIN JR. na mas patindihin pa ang pagbabantay sa kanilang areas of responsibility (AOR) para maproteksiyunan ang mamamayan laban sa mga masasamang-loob.

Hindi naman maitatatwa na panatag ang kalooban ng mamamayan kapag may mga nagbabantay na pulis sa kalye.

Pakiramdam nila’y ligtas sila at walang mangyayaring krimen sa kapaligiran.

Totoong ito ang hinahanap at inaasahan ng mamamayan sa mga alagad ng batas sa tuwi-tuwina.

Good luck and more power sa buong Team NCRPO.

Mabuhay po kayo, mga bossing!

***

Gusto mo ba ng ayuda o tulong pangkabuhayan? Bet mo rin bang matuto tungkol sa pagsasaka at sa mga programang pang-agrikultura, atbp.? Aba’y tayo na’t manood at makinig ng “Barangay 882” sa IZTV (Channel 23) at DWIZ. Katuwang ang SM Foundation at iba pa, ang “Barangay 882” radio program ng inyong lingkod ay matutunghayan sa DWIZ 882 FB page, IZTV/Radio, at Youtube DWIZ ON-DEMAND tuwing Sabado ganap na alas-4:00-5:00 ng hapon.

***

At para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook account (Gilbert Laguna Perdez), Twitter, Instagram, at sa aking FB page na ‘Gilbert Perdez’. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat po at stay safe!

The post PROGRAMANG ‘SAFE NCRPO’ TINOTODO NA NI RD ESTOMO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PROGRAMANG ‘SAFE NCRPO’ TINOTODO NA NI RD ESTOMO PROGRAMANG ‘SAFE NCRPO’ TINOTODO NA NI RD ESTOMO Reviewed by misfitgympal on Setyembre 24, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.