Ni JOVI LLOZA
SA kauna-unahang pagkakataon ay ipinasilip ni Julia Montes ang kanyang bahay kay Karen Davila.
Tatlong taon na raw itong naka-separate sa kanyang pamilya na build ang bahay nung 19 pa lang ang gf ni Gerald Anderson at natapos ito nung 22 na ang aktres at ngayon ay 25 na ang panganay nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.
Hanggang mapunta ang topic sa ama ni Julia na si Dennis Padilla at tinanong ni Karen kung handa na ba itong tanggapin ang ama.
Sagot ni Julia na hindi pa nito kayang papasukin sa kanyang puso ang ama Napanood ni Dennis ang nasabing panayam sa anak at marami itong nega na pahayag at naimbudo at nainis ang komedyante sa panayam ni Karen kay Julia.
Feeling ni Dennis ay parang nag-isa siya sa panayam ni Karen sa anak.
Ang katotohanan ay di naman daw isiniwalat at di naihayag.
Kaya sa post ng veteran comedian sa kanyang IG ay nanawagan ito kay Karen na maging fair at interbyuhin din siya at huwag maging one sided lang.
***
MARAMING nakapansin sa airing ng ALLTV ng AMBS.
Sa production number pa lang ni Toni Gonzaga, mukhang di man lang ito nabigyan ng magandang sound.
Dapat daw opening salvo ay bonggacious pero tila nakulangan sa magandang sound system ang ginawang production ni Toni.
Dahil sa technicals sa soft lunch ng ALLTV ay humingi ng apology ang host ng Wowowin na si Willie Revillame
At isa pang napansin ng netizens ay ang mga palabas.
Expected nila na may bagong mapapanood.
Para raw Jeepney TV din ang datingan ng ALL TV.
Mga lumang serye kasi ang mga ipinalalabas tulad ng Doble Kara ni Julia Montes noon pang 2015.
For sure na bumubwelo pa lang ang ALLTV at kinakasa na rin ang mga bagong programa at sino ba ang ayaw maging number one at in due time nga raw yan, di ba, Mam Maribeth Tolentino?
Well, well, well…’Yun na!
The post ALLTV, bagong network pero mga lumang show ang pinalalabas appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: