Facebook

Gina saludo sa bait at husay ni Bea

Ni WALLY PERALTA

HINDI bilang isang direktor kundi bilang isa sa casts ng Pinoy adaptation ng sikat na Koreanovela na “Start Up PH” ang role ng aktres na si Gina Alajar. Kaya mas marami siyang nadiskubre sa kanyang mga kasamahan sa naturang serye lalo na kina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at New Generation Movie Queen Bea Alonzo.
Pero sa dalawa, kay Bea talaga na-shookt ang byuti ni Ms. Gina.
“With Bea, first time ko siyang nakatrabaho at first time ko rin siyang na-meet. Siguro kung hindi siya lumipat, I wouldn’t have the chance to work with her. Pero I was surprised kasi napakabait na bata.
“Ang ganda-ganda ng pagpapalaki ng magulang niya. I want to commend, I want to congratulate the parents. And to the mother, she’s very, very close to her mother at sa magandang pagpapalaki sa bata,” say ni Ms. Gina.
Bukod sa paghanga sa good behaviour ni Bea, isa pa sa hinangaan ni Ms. Gina sa aktres ay ang pagiging intelligent woman nito.
“Napakatalino na bata” description ni Ms. Gina Alajar kay Bea Alonzo. “I didn’t expect her to be like that. I didn’t expect her to talk about anything. Minsan ako pa ang natututo,” dagdag na say pa ng beteranang aktres.
The show will start showing on September 26 at 8:50 PM, right after “Lolong“. Makakasama rin ng tatlo sina Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales, Jackielou Blanco, Lovely Rivero, Nino Muhlach, Boy2 Quizon, Royce Cabrera, Gabby Eigenmann, Kevin Santos , Ayen Munji and Neil Sese plus Kim Domingo and Tim Yap.
***
AWARD-winning at isa sa tinitingalang direktor ng bansa si Jose Javier Reyes. At kadalasan sa hinahawakan niyang mga artista para idirehe ay mga magagaling na aktor ng bansa. Kaya karamihan sa mga kasamahan ni Janelle Tee, former Miss Earth Philippines titlist, ay kinaiingitan ng kapwa niya bombshell sa Vivamax dahil sa tila si Janelle ang ‘apple of the eye’ ni direk Joey.
Unang proyekto ni direk Joey sa Vivamax ay si Janelle ang kanyang bida, sa ‘Secrets’ at ngayon nga sa bagong proyektong ginawa ni direk Joey sa Vivamax, ang original series na “An/Na” ay si Janelle ang nasa isip ni direk na bibida sa naturang serye.
Ang “An/Na” ay istorya ng isang taong problemado sa pera at nakakagawa ng taliwas sa kanilang karakter para masolusyonan ito. Pero minsan ito ay panandaliang ginhawa lamang at may panibagong pagdurusang pagdadaanan.
Bukod kayJanelle, kasama rin sa proyekto sina Migs Almendras, Greg Hawkins, Rob Guinto, Guji Lorenzana, Fabio Ide, Rolando Inocencio, Micaella Raz, CJ Jaravata, Axel Torres, Azi Acosta, Clara del Rosario at may
playdate na sa September 25, 2022 in all Vivamax Apps.
“I enjoy working with Janelle kasi matalinong babae siya. Hindi naman siguro naging Miss Earth yan kung boba yan, so I hope she will be given the opportunity to do more beyond what she is doing now. She’s capable of tackling more demanding roles without disrobing as she is such an intelligent woman and that is a prerequisite for being a good actress,” say ni direk Joey.

The post Gina saludo sa bait at husay ni Bea appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gina saludo sa bait at husay ni Bea Gina saludo sa bait at husay ni Bea Reviewed by misfitgympal on Setyembre 19, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.