Facebook

Julia muling na-nega sa pakikipag-away sa amang si Dennis

Ni ARCHIE LIAO

NAGING kontrobersyal ang paglalabas ni Dennis Padilla ng saloobin hinggil sa pagpapa-interview ng kanyang anak na si Julia Barretto sa vlog ni Karen Davila.
Ayon kasi sa panayam, sinabi ni Julia na may trauma pa rin siya sa kanyang ama kaya hindi pa rin niya ito lubusang napapatawad.
Dahil dito, hindi nagustuhan ng komedyante sa sinabi ng kanyang anak.
Sa series of kanyang post sa Instagram, mariin namang pinabulaanan ni Dennis ang ilang pahayag ni Julia.
Maraming beses din siyang nakiusap kay Karen na maging fair at interbyuhin din siya para makuha naman ang kanyang side.
“Ako ang dapat takbuhan mo julia…. I defended you pero nagalit pa kayo sa akin… Sobra kayo…. Ano etong mga kwento mo kay karen??” pagkumpronta ni Dennis kay Julia.
Aniya pa, “ang buong bahay ko… Ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo julia… Ano pang revenge ang gusto niyong gawin?
“Lahat ng blessings nasa inyo na… Humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko.. Ano pa gusto nyo?…. Pati kay Gerald humingi ako ng apology… Ano pa?
Nu’ng pinatatanggal nyo apelyido ko… Humingi ba kyo ng apology????”
Mensahe naman ni Dennis kay Karen, “@iamkarendavila… Pls be fair to all… You need to interview me… Maraming mali sa alam ni julia… Waiting sa reply mo ty.”
Sinundan niya ulit ito ng isa pang post, “@iamkarendavila… You better interview ME… para di one sided…. Wag ganun!!!”
Sa isang post ay sinabi rin niyang “Karen asked you kung napatawad mo na ako? Karen ask me also kung napatawad ko na silang lahat…interview me para mahimay natin.”
Nag-reply naman sa comment section si Karen at sinabing nag-text na siya kay Dennis.
Bagama’t burado na ang posts ni Dennis, nakunan na ito ng screenshots ng mga marites kaya naman muli na namang pinagpipiyestahan ang away nilang mag-ama.
Dahil din sa muling banggaan na ito ng mag-ama, nabuhay na uli ang negang imahe ni Julia dahil naaakusahan siyang masamang anak.
May mga nagsasabi namang dapat daw ay pinag-uusapan na lang nina Marjorie, ina ni Julia at Dennis ang kanilang mga problema dahil nadadamay lagi sa kanilang feud ang kanilang mga anak.
Sa ngayon, wala pa ring statement si Julia sa mga naging akusasyon ng ama.

The post Julia muling na-nega sa pakikipag-away sa amang si Dennis appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Julia muling na-nega sa pakikipag-away sa amang si Dennis Julia muling na-nega sa pakikipag-away sa amang si Dennis Reviewed by misfitgympal on Setyembre 19, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.